21

11 2 0
                                        

Hinila na nya sa kinauupuan ko. Nung malayo layo na kami ay binitawan nya na ako. Tinignan nya ako ng napakasama. Ano nanaman bang ginawa kong mali?

"diba sinabi ko sayo kapag nasasaktan kana lumayo kana?"

"sige nga! ikaw nga masaktan? Maiisip mo pa kaya yun?" napaisip siguro sya sa sinabi ko kaya sya tumahimik.

"thanks pala ah" tumngin sya saakin na nakakunot yung noo. Ano bang meron sa taong ito at ang gulo gulo ah?

" dun sa kanila. " tuloy ko. Tumango naman sya.

"ihahatid na kita" ayaw ko pang umuwi. Pagod na ako pero parang nawala yun kanina dahil sa pangyayari.

"wag mo muna akong ihatid sa bahay gusto ko muna magpahangin" sabi ko sinunod naman nya yun. Dinala nya ako sa seaside.  Quater to 5 na pala. Tinabihan naman nya ako.

Kahit na masungit cold basta kahit na magulo si Kevin at mabilis ang change ng mood thankful patin ako sakanya kasi nandito sya tuwing kailangan ko sya.

Karen Point Of View

Gabi na at nandito ako sa isang bar. Susunduin ko lang kasi si Jake.

"Jake tama na yan. Lasing kana iuuwi na kita." kinuha ko yung neer na hawak hawak nya. Hindi naman nya kinuha yun ulit.

"Kilala mo ba si Andy? Si Andy Star Zamora Monterede? Walang talab yang kaoal ng lipstic mo sakanya. Sya yung pinaka magandang babaeng nakilala ko." umupo nalang ako sa tapat nya kahit ang sakit sakit na marinig lahat ng yan galing sakanya.

"mahal na mahal ko yun! Hindi ko nga maintindihan kung bakit sya nakipaghiwalay saakin." tumulo na yung luha ko. Yung luhang kanina ko pa pinipigilan tumulo. Ang sakit sakit na marinig na Napagmove on na nga sa saakin. Na hindi na ka ako yung mahal nya.

"pero alam mo? Himdi ko hahayaang mawala saakin yun? Kasi ang suwerte ko ko na eh. Nasa akin na yung  pinapangarap ng karamihang lalaki. " pinunasan ko na yung luha ko at inaalalayan ko syang tumayo mula sa kinauupuan nya.

Tinawagan ko na si Kevin oo si Kevin sya lang naman yung kilala kong pinsan nya. Kaya sya na yung tinawagan ko.

"tumigil kana sa kahibangan mo. Himdi ikaw ang mahal ni Jake kaya pwede ba?" bungad saakin ni Kevin.

"mahal ko sya!" hinila nya sa labas.

"Kung mahal mo sya gagawin mo lahatbpara sumaya lang sya kahit ang pakawalan sya gagawin mo kung dun sya masaya at kung dun sya sasaya. " hindi ko alam kung umiiyak ba ako dahil sinisigawan nya ako or umiiyak ako dahil pinapamukha saakin yung katotohanan.

"kapag mahal mo ipaglalaban mo"

"Anong ipaglalaban mo? Mahal ka ba nya? Hindi naman diba? May mahal na syang iba! Kaya kung pwede tanggapin mo nalang na wala na kayo na hindi na pwede magbalikan. Wala ka nang ipaglalaban."

Nakayuko lang ako. Hindi ko na kayang pigilan yung mga luhang nagsisi-unahan lumabas sa mata ko.

"Karen hindi ka mahirap mahalin. Madami pang iba jan. "

"pero hindi sila ang gusto ko!"

" Hindi mo sila gusto? Eh pano ba naman nakafocus ka lang sa iisang tao? Paano mo sila magugutuhan? Sige nga! Sige nga sabihin mo saakin?!" Ganun na ba ako katanga?

Napaisip ako sa mga sinabi saakin ni Kevin. Kung hindi ako mahirap mahalin bakit? Bakit hindi ako kayang mahalin pabalik ni Jake? Siguro tama nga sya. Kailan ko bigyan ng chance yung iba! Siguro masyado talaga akong nag focus kay Jake. Huminga ako ng malalim.

Nandito ako ngayon sa cafe. Paano ko ba sisimulan mag move on kay Jake?

Magseach ako sa google. Wala akong nakuhang magandang sagot.
Napahawak nalang ako sa ulo.

May nilapag yung waiter sa desk ko isang papel.

How to move on.

Napakunot yung noo ko sa nakasulat sa itaas ng papel.
Hinanap ko yung waiter na naglapag ng paper dito sa desk ko pero wala na sya. Tinuloy ko nalang ang pagbabasa.

First. Iiyak mo lang lahat lahat. Ilabas mo yung sakit, galit , lahat lahat ng nararamdaman mo.

Ayun nga umiyak ako. Para akong tanga dito sa cafe. Yung iba napapatingin na saakin. Siguro iniisip nila na baliw ako kasi nagbabasa lang ako tapos umiiyak na ako. Grabe sila judgemental masyado.
Tinuloy ko nlamag ulit magbasa.

Second. Burahin mo lahat ng pictures nyo/nya, yung conversation nyo. Delete mo lahat ng memories nun kasama mo sya.

Kagaya nga nung sinabi dun sa letter ginawa ko. Pinunasan ko muna yung luha ko bago ko ilabas yung telepono ko. Nagdadalawang isip ako kung idedelete ko yung conversation namin. Pero dinelete ko rin. Pati yung mga pictures namin together ang hirap. Mahirap pero kailangan. Hindi naman pwede na habang buhay ganito ako.

Third. Food is key to move on. Ikain mo na lang yung nararamdaman mo sakanya.

Sa sobrang lalim na nang nararamdaman ko para sakanya hindi kaya tumaba ako? Kasi for sure madaming pagkain ang kailangan. Napabuntong hininga nalang ako. Maggo-grocery nalang ako bukas.

Next. Iwasan magbasa, manuod ng love story.

Hindi naman sinabing bawal. Pero nakasulat ang Iwasan. I love reading. Lalo na kapag love story. Tapos pinagpupuyatan ko pa magbasa ta manuod. Fan ako ng koreanovela. Okay. Okay fine. Iiwasan ko na.

Next. Sumabay sa kabaliwan ng friends mo.

Puro shopping, pagpapa-ganda lang ang alam ng friends ko. Gusto ko magkaroon ng mga kaibigan na baliw kalog. I should say sorry to Andy. Nahihiya na nga ako eh. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sakanya o pwede kong sabihin wala na akong pride. Nahihiya na talaga ako.

Family mo! Always remember that their always there for you.

Napangiti nalang ako. I miss them. Namatay sila dahil sa car accident. Siguro kaya nagkakaganito ako kasi kulang ako. I mean kulang ako sa pagmamahal. Bata palang ako wala na sila. Wala din naman akong kapatid.
Bakit ang lungkot lungkot ng buhay ko?

Last. Pray. Magpray ka! Ipagdas mo na mawala yung sakit na nararamdaman mo.

Ngumiti nalang ako. Ewan ko ba kung pilit o mukhang bitter yung ngiti ko. Siguro mas maganda kung bumalik nalang ulit ako sa US. Para mas mapabilis ang pag mo-move on ko.

AGWATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon