Chapter Three:
Pippa Zhynly's POV
Nanlaki ang mata ko ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok sina Tito Dark at Tita Ninang, kita ang gulat sa mga mukha nila na agad lumapit kay Twilight.
"What happened?"
"May nagtangka na naman po sa buhay ni Cous, at--at nabaril ni Twilight ang babae"
"What?. How?" kunot noo tanong ni Tito Dark.
"Hindi ko rin po alam ang buong pangyayari, pero sinabi sa akin ni Twilight na nabaril niya ang babae. Pagkarating namin nakahiga na ang babae at kita ko rin po na takot na takot si Cous sa nangyari at sa nagawa niya." paliwanag ko. "Kaya pinainom po namin siya ng pampatulog"
"Call your father, tell him to send some men here to clean up." sabi ni Tito at lumapit siya sa babae na nakahiga. Mabilis akong kong tinawagan si Papa para sabihin ang mga sinabi ni Tito Dark.
"She's dead.." sabi ni Tito Dark pagkatapos niya hawakan ang pulso nito. "She's undercover assassin." sabi ni Tito habang nakatingin sa tattoo ng babae sa likod ng leeg nito.
"Gusto niyang patayin ang anak natin, Dark" sabi ni Tita Sunlight. "Siguro mas mabuting iuwi na lang natin si Twilight" Napatingin kami kay Tito Dark at sumang-ayon naman siya.
Napalingon ako ng may kumatok at binuksan ni Jacob ang pinto. Pumasok ang dalawang nurse na may dalang higaan at pumunta sa babae. "Boss" paalam nila para kuhain ang katawan ng babae. 'Wait? Boss?. Ibig sabihin tauhan sila ni Tito. Ang bilis naman ng tauhan ni Tito? Ni hindi pa nga ako nakakatawag kay Papa.'
Sumenyas si Tito sa mga tauhan niya at kinuha naman nila ang babae. May pumasok naman ang dalawa pang lalaki para linisin ang higaan at mga dugo na nakakalat sa lapag.
Nang maayos na ang lahat at mukhang nabalik nasa dati ang itsura ng kwarto ni Cous. Hiniga na namin siya sa kama habang natutulog siya.
"Jacob, Pippa, pwede na muna kayong umuwi. Pero maaga kayo bumalik, ilalabas na namin dito si Twilight bukas" Tita Ninang said.
"Sige po" kinuha ko na ang bag ko. "Aalis na po kami" paalam namin ni Jacob at naglakad na kami palabas.
"Sa tingin mo ba maaalala pa ni Cous ang nangyari kanina?" tingin ko kay Jacob na malayo ang tingin niya at mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko. "Jacob!"
"O?" lingon niya sa akin. "Anong iniisip mo?"
"Si Twilight" sagot niya.
"Bakit na naman?"
"Naisip ko lang na kapag nalaman na naman niya kung sino talaga tayo, baka kamuhian naman niya tayo" tingin ko sa kanya. "Nag-aalala rin ako para sa kanya, sa kinikilos ng katawan niya. Baka kapag nagising siya, iisipin niya kung paano niya yun nagawa?" hinga ko ng malalim.
Huminga rin ng malalim si Jacob. "Hindi ko rin alam ang gagawin kung nagkaganun. Hindi man niya naalala ang ilang buwan sa buhay niya, naaalala at kinikilos naman ng katawan niya ang mga pinaghirap niya sa training kay Boss" pasok niya ng kamay niya sa bulsa ng kanyang jacket. "Ang mahalaga, maayos si Twilight at kailangan natin siyang protektahan kahit anong mangyari"
"Pero hindi natin 'yon nagawa ngayong araw" tingin ko kay Jacob.
"Kasalanan ko" tingin niya sa mga mata ko at pilit na ngumiti.
"Kasalanan natin" mahinang tapik ko sa balikat niya. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. "Mahal kita, Pippa"
"Mahal din kita" ngiti ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. "Bakit bigla mong pinasok na mahal mo ako?"
BINABASA MO ANG
THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)
ActionPaano ibabalik ni Twilight Sky Smith ang nawalang alaala ni Cloude Yule Hollis? kung pati ang alaala niya ay nawala na rin. Parehas na ba nilang kakalimutan ang nakaraan at mananatili sa kasalukuyan o hahanapin nila ang sagot sa mga tanong na gumugu...