Chapter Twenty-Three:

2.6K 71 2
                                    

Chapter Twenty-Three:


Third Person's POV

Handa na ang lahat ng sa party na gaganapin sa isang town house na pagmamay-ari ng mga Hollis. Maraming imbitado katulad na lamang ng mga dating kaklase ni Amber Ice at mga dating kaibingan na nasa ibang bansa na mga nakatira.

"Mom, where's Cloude?" tanong ni Amber kay Claudia.

"Susunduin niya yata si Althea. Bakit?"

"Nothing, Mom. Akala ko hindi siya pupunta." ngiti ni Amber sa ina. 'Sana gandahan nila yung mga performance nila lahat' ngiti niya.

Nagtext kasi si Amber Ice sa lahat ng mga kaibingan at kakilala niya na away niyang ng material na regalo. Gusto niya yung mga bagay na magpapasaya sa kanya at sa lahat ng mga bisita niya.

"Okey na po, Miss Amber" sabi ng make-up artist sa kanya.

"Thanks, then. Pumunta na rin kayo sa party, see you" tayo ni Amber at tinignan uli ang kanyang itsura sa salamin. "Ang ganda ko"

"Maganda naman po talaga kayo"

"I know, right?" ngiti niya sa make-up artist.

~~~

Halos isang oras ng nagsisimula ang party at nag-aalala si Amber dahil hindi niya parin makita si Twilight kahit na nandoon na si Zhynly.

"Zhynly, nasaan si Twilight?"

"Sabi niya five minutes ago, papunta na daw siya."

"Are you sure?" alalang tanong ni Amber ng mapansin niyang may nakatingin sa kanya. Nakita niya si Cloude na nasa kabilang upuan na nakatingin sa kanya at katabi si Althea. Tinaasan niya lang ito ng kilay at iniwasan lang siya nito ng tingin.

"Yeah. Ipapahatid yata siya dito ni Tito, kaya don't worry about her. She's safe" ngiti ni Zhynly at tumango na lang si Amber.

"Okey, enjoy" ngiti ni Amber at tumingin naman sa mga bisita niya. She's happy to what she see now, yung pinagpaguran nila dalawa ni Clarkson na pala ay naging maganda naman. "Speak of Clarkson? nasaan na ba yun?"

"Happy birthday, Ate Ai!" bati nila Mike at Rexie.

"Thanks, yung regalo ninyo pinaghandaan ninyo ba?"

"Syempre naman" ngiti ni Rexie. "Pinaghandaan naming apat" lingon niya sa dalawa na katabi na sila Athan at Kelly.

"Wala kayong date? kaya magkasama kayo?" ngiti ni Amber.

"Meron ako, si Aiyda" turo ni Mike sa direksyon ni Aiyda na katabi sila Lora, Faiy at ang lalaking kasama ni Faiy.

"So? Wala kang kadate, Rexie?"

"Meron no? S-Si--"

"Si Lora" sagot ni Mike. "Torpe kasi ang bunso natin"

"Tumahimik ka nga dyan, Jordan!. Ikaw nga pinupormahan mo si Aiyda eh!" ngisi ni Rexie at agad na tumakbo.

"Nak nang! Wag kang magpapakita sa akin!" sigaw ni Mike at tumingin kay Amber. "Doon muna kami, Miss Ai"

"Wait!.. Nakita mo ba si Clarkson?"

"Hindi eh. Gusto mo itanong ko kay Lora?"

"N-No. Wag na.. Baka magkasama lang sila ni Lourd kaya wala pa dito. I will go to Mom first" paalam niya kay Mike at naglakad naman ito sa lamesa kung nasaan nakapwesto sila Aiyda.

THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon