Chapter Eight

3.1K 100 5
                                    

Chapter Eight:

Ice Amber's POV

Lumabas na ako ng kusina ng masigurado kong wala na kaming gagawin ni Mom. Kakatapos lang namin magluto ng hapunan at hinihintay na lang namin si Dad para kumain. Napataas ang magkabilang kilay ko nang makita ko si Cloude, hawak niya ang cellphone niya habang nakangiti. Napasingkit ang mata ko dahil nakangiti siya at bigla rin siyang sumeryoso ng makita niya ako. Tinago niya ang cellphone niya sa kanyang jacket. 'I'm sure, si Linta lang naman ang ka-text niya! Sino pa ba?' I rolled my eyes.

Napatingin sa akin si Cloude at tinaasan ko lang siya ng kilay. Galit pa rin ako sa kanya dahil sa mga maling ginagawa niya, wala akong pakialam kung wala siyang maalala... basta galit ako sa kanya!. Ayoko lang na pagsisisihan niya ang mga pwede niyang gawin na maaari niyang pagsisisihan sa huli.

Inismiran ko siya at umakyat na ako sa kwarto ko para maligo dahil sobrang dami ng niluto namin ni Mom. Kailangan maging fresh ang pakiramdam ko bago kumain. Sabayan pa ng malapit na ang summer kaya sobrang init ng panahon.

~~~

Nang makababa na ako galing sa kwarto ko. Nakita ko pa rin na nakaupo pa rin si Cloude sa couch habang nakatingin na sa laptop niya. Napansin ko na patingin-tingin siya sa cellphone niya.  'Mukhang may hinihintay siya tawag'.

"Hi! Ate Ai. Where's my boyfriend?" napalingon ako sa likuran ko. 'Paano siya nakapasok dito? Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'to.' Si Linta nandito sa bahay. Akala ko naman hindi ko siya makikita ngayon, nagkamali pala ako.

"Hi! Ate—" lalapit niya ang mukha niya sa akin para makipagbeso, makipagplastikan!.

"Subukan mong ilapit 'yang mukha mo sa akin, hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa'yo" masamang tingin ko sa kanya at kita ko ang takot sa mga mata niya. 'Subukan mo lang talaga! Feeling close ang bruha!'

"What are you doing here?" nasa likod ko na pala si Cloude. "I told you, I'm busy" lapit ni Cloude sa kanya. Lumayo ako sa kanila nilingon ko si Linta at tinignan ng masama.

"Yes. I know, babe. Pero bakit hindi mo sinagagot ang mga tawag at text ko. I really miss you" nagmamakaawa ang mukha ng bruha at mukhang iiyak pa siya.

Nasusuka ako sa nakikita ko. Alam ko naman na hindi totoo ang pinapakita niya sa kapatid ko. "Pwede ba?! Ayokong makita ng maarte dito sa bahay, ako lang ang maarte dito" taas kilay ko sa bruha. "Paalis mo na nga 'yan!" tingin ko kay Cloude at nakita kong bumutong hininga siya.  Nakita kong nakatingin sa akin si Mom, alam kong hindi niya gusto ang sinabi ko. 'Hays! Ako na naman ang magiging mali' "Bahala nga kayo dyan!" naglakad na ako papunta sa kusina para kumuha ng makakain.

'Kung hindi si Bruhang linta ang katext ni Cloude? Sino 'yun?. Hindi naman siya ngingiti ng ganun at bigla na lang itatago kung mga kaibigan niya lang?. Narinig ko ang sinabi ni Linta na hindi sumasagot si Cloude sa tawag at text niya.' napangiti ako. 'Sino naman kaya ang nagpapangiti na 'yun kay Cloude?' Kailangan kong malaman kung sino ang taong 'yun. Ayos na sa akin na hindi 'yun si Linta, but I'm still worried dahil baka kung sinu-sino na naman ang nakikilala ni Cloude.

Lumabas ako ng kusina para tignan kung umalis si linta pero si Mom ang nakasalubong ko. "Anong nanaman ang gagawin mo, Amber?" tanong niya ng makita ko si Cloude na papunta rin pala sa kusina.

"Nothing, Mom. May nakalimutan kasi ako." sabi ko na lang. Nakita kong nakaupo na si Bruhang Linta sa sofa at napataas ang kilay ko dahil hawak niya ang cellphone ni Cloude. Nanlaki ang mata ko ng may tinawagan siya sa cellphone ni Cloude. Tinignan ko lang siya dahil alam kong mahuhuli siya ni Cloude sa pagiging pakialamera niya.

THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon