Chapter Six:
After Two Weeks...
Twilight Sky's POV
Nakahanda na ang shoulder bag ko na dadalhin sa pagpunta sa hospital. May schedule kasi ako para sa follow-up check-up ko. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa repleksyon ko. 'Sana makaalala na ako'
"Sweetie, dalian mo na ha? hihintayin na lang kita sa baba" silip ni Nanay sa pinto ko. Nakauwi na sila Nanay at Tatay galing sa business trip nila noong nakaraang linggo kaya masaya ako dahil nakikita ko na naman sila.
Hindi ko alam kung bakit kapag wala sila, kinakabahan ako na para bang may mangyayari sa kanilang masama.
Kinuha ko na ang wallet ko sa drawer at inayos ko muna ang ilang gamit ko na sa tingin ko hindi nakaayos. Palabas na ako sa kwarto ko ng mapahinto ako dahil parang may bigla akong nakita o naalala. Sumandal muna ako sa likod ng pinto at tinignan ang paligid ng kwarto ko, may kakaiba akong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pintuan ko.
"Cous, hurry up!" hindi ko pinansin ang tawag ni Zhynly, naglakad ako papunta sa isang bahagi ng kwarto ko. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa pader sa harapan ko.
"Cous, nasa cr ka ba? Papasok na ako" 'tyaka na Twilight' bulong ng isip ko. Naglakad na uli ako papunta sa pintuan at saktong bukas naman ni Zhynly sa pinto.
"Let's go?" tanong niya.
"Oo naman, anong gusto mo dito lang tayo?"
Inismiran niya ako. "Tara na, naghihintay na si Tita Ninang at Tito Ninong sa baba" naglakas na siya kaya sumunod na ako.
~~~
Nasa hospital na kami nila Nanay habang si Tatay naman ay umalis na para pumunta sa opisina niya. Naghihintay lang kami sa waiting area dahil may inaasikaso pa si Dr. Vi.
"Tita, Cous, pupunta muna ako sa comfort room" paalam ni Zhynly at naglakad na siya paalis. Ilang minuto ang lumipas nakita na namin si Dra. Vi na papalapit sa amin.
"Mrs. Smith, I'm sorry natagalan ako." sabi niya kay Nanay.
"It's okey" ngiti ni Nanay.
"How are you, Twilight?"
"Ha? Okey naman po?. Dito ninyo ba ako iche-check up?" takhang tanong ko.
"Ohh!. No. I'm just asking" ngiti niya sa akin.
Tumango naman ako. "Okey lang naman ako, Dra. Kayo po?"
"I'm fine" sabi niya. "So let's go?"
"Aalis uli tayo?"
"Sweetie..." tingin sa akin ni Nanay na parang sinasabi niya na manahimik ako.
"Let's go" sabi ni Dr. Vi at binuksan ang pinto sa isang room. "Ahh?!. Okey" sabi ko na lang dahil mukhang pati si Nanay naguguluhan rin sa sinasabi ng doctor ko. Hindi lang siya nagsasalita.
Parehas kaming pinaupo ni Dra. Vi at naupo siya sa upuan niya. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko sa bag ko. Si Zhynly ang tumatawag.
"Cous, nasaan kayo?"
"Excuse po muna" tayo ko at lumabas ng room. "Nasa hospital. Diba kasama ka namin? Wag mong sabihin?" nanlaki 'yung mata ko. "Double ganger yun?"
"Cous!.."
"Nakita na kita. Nakatalikod ka sa akin, pero ikaw ba yun?. Nakakatakot. Hospital pa naman 'to" tingin ko sa paligid.
"Hindi ako yan, Cous" nanlaki ang mata ko kasi papalapit na sa akin ang Zhynly na hindi daw si Zhynly. Napalunok ako habang papalapit siya sa akin at ang sama pa ng tingin niya.
BINABASA MO ANG
THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)
ActionPaano ibabalik ni Twilight Sky Smith ang nawalang alaala ni Cloude Yule Hollis? kung pati ang alaala niya ay nawala na rin. Parehas na ba nilang kakalimutan ang nakaraan at mananatili sa kasalukuyan o hahanapin nila ang sagot sa mga tanong na gumugu...