Chapter Two

4.3K 125 3
                                    

Chapter Two:

*After Two days*

Twilight Sky's POV

Nasa hospital pa rin ako at nakahiga sa kama. Tinitignan ko sina Zhynly at Jacob na nagkukulit at para hindi nila ako nakikita. Silang dalawa ngayon ang nagbabantay sa akin dahil wala sila Nanay at Tatay. Kahit gusto ko nang umuwi dahil ayos na naman ako, pinagbawalan pa ako ni Tatay dahil may kailangan pang tignan sa akin ang mga doctor.

Kitang-kita ko na sobrang close nina Zhynly at Jacob nagkakapagtaka. Ganun din sa mga kaibigan ni Zhynly na dinadalaw ako at kinakamusta nila ako. Pati rin ang mga classmate namin na gossip girls dinalaw ako, hindi naman kami close.

Napatingin ako kanila Zhynly at napansin kong napatingin siya sa akin. "Cous. May problema ba?"

Umiling ako. "Wala naman" ngiti ko. "Napansin ko lang kasi, bakit lagi kayong magkasama ni Jacob? Diba hindi naman kayo magkakilala?" tingin ko kay Jacob.

"Cous, magkakilala na kami." ngiti ni Zhynly sa akin.

"Ano kaba, Bella. Sinabi mo nga na crush na crush ako nitong pinsan mo at patay na patay pa sa akin" sabi ni Jacob.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Talaga? Sinabi ko yun?."

"Cous, wag kang maniwala sa lalaking 'to. Kung alam mo lang talaga ang totoo? Tss. Umiiyak yan mapasagot lang ako" sabi ni Zhynly.

Tumango na lang ako. Ganito pala ang pakiramdam na walang maalala, kahit alalahanin ko kung ano ang sinasabi nila hindi ko maalala. Siguro nga marami akong hindi maalala, ano kaya ang mga yun?.

"Cous?.." tumabi sa akin si Zhynly. "Alam kong iniisip mo na naman kung bakit ka walang maalala at anong nangyari sa'yo. Hindi ko man alam kung paano kita matutulungan, nandito lang ako para sa'yo. Nandito lang kami para sa'yo" ngiti ni Zhynly.

"Nasa tabi ko nga kayo pero hindi ko naman maintindihan kung paano ako aakto kapag nandyan kayo. Pwede mo naman ikwento sa akin kung anong nangyari sa akin diba? Pero bakit ayaw mo? Ayaw nyo?" tingin ko sa kanila.

"Cous, kahit gusto kong ikwento sa'yo ang nangyari... Ayoko, at hindi pwede"

"Bakit naman hindi?" tanong ko.

"Ayokong maguluhan ka lang at baka ma-stress ka lang" tingin ni Zhynly sa akin. "Handa naman kitang tulungan para makaalala ka pero hindi ngayon"

"Bakit hindi pa ngayon? Kailan pa? wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Pakiramdam ko kilala ko ang mga kaibigan mo, pero naguguluhan ako. Mas lalo akong naguguluhan kapag nakikita ko sila"

"Hay! Cous, wag ka ngang mag-isip. Kung gusto mo hindi mo muna sila papapuntahin dito?"

"Hindi naman sa ganun, Pippa Zhynly. Baka sabihin pa ng mga kaibigan mo ang arte ko. Ako na nga yung dinadalaw nila, ako pa ang maarte"

"No. Cous, maiintindihan ka nila yun" sabi ni Zhynly.

Nakarinig ako ng kumatok sa may pintuan na agad namang bumukas. "Hi!" kaway niya habang nakatingin sa akin. May dala siyang bulaklak at basket na may lamang prutas. Baka nagkamali lang siya ng pinasukang room. Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Hi! Twilight" lapit niya sa akin.

"Kilala ba kita?" tanong ko sa kanya. Napatingin ako kay Zhynly na masamang nakatingin sa kanya. Kaaway niya ba 'tong nasa harap ko?.

"Si Lourd yan, Cous" sabi ni Zhynly.

"Kilala ko ba siya noon?" tingin ko sa kanila ni Jacob at Zhynly. Nagkibit balikan lang si Jacob at tumingin kay Zhynly.

"Yes, Cous. Siya 'yung dating manliligaw mo na binasted mo" sagot ni Zhynly. Nanlaki ang mata ko at napatingin ako sa lalaking kaharap ko.

THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon