Chapter Seventeen:

2.9K 86 3
                                    


Chapter Seventeen:


Pippa Zhynly's POV

Papunta ako sa kwarto ni Cous para ipaalam sa kanya na engaged na ang kapatid ni Ate Ai na si Cloude kahapon pa. Alam ko naman na wala siyang pakialam doon, lalo na't hindi naman niya naalala si Cloude. 'Hindi pa ba?'

"Cous!" tawag ko sa kanya at kumatok pero walang sumasagot kaya binuksan ko na ang pinto ng kwarto niya at nakita ko siyang umiiyak habang nakatingin sa malayo.

Kaya dali-dali akong lumapit sa kanya. "Cous!" napatingin siya sa akin. "What happened to you?" Hawak ko sa balikat niya, pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong tinulak.

'Aray!'. Napadaing ako sa kirot na naramdam ko, dahil natungkod ko ang kamay ko bago ako makaupo sa lapag. Nakatingin ako kay Twilight na umiiyak pa rin.  'Ano bang nangyari?' nakatingin ako sa laptop na nasa gilis niya.

"Cous!" tawag ko sa kanya. Nakaupo pa rin ako sa lapag habang hawak ko ang kamay ko.

"Umalis ka muna, Zhynly!" mahinahon na sabi niya.

Tumayo na ako. "S-Sige" tango ko at naglakad na papalabas ng kwarto niya. 'What happened to her?' tanong ko sa sarili ko habang iniinda ang kirot sa wrist ko. Naglakad na ako pababa ng makita ko si Tita Ninang. "Nasaan si Twilight?"

"Nasa taas pa po. May inaasikaso lang" sagot ko at ngumiti.

"Ganun ba?. Pumunta muna akong kusina ha?" tumango lang ako habang nakangiti. Naglakad na ako papunta sa couch at naupo. 'May naalala na kaya siya?'.

~~~

Nakita kong pababa na si Twilight sa hagdan ngumiti siya sa akin, pero hindi ko nagustuhan ang ngiti niya dahil pakiramdam ko may nakatago sa mga ngiti niya. 'Ano bang 'tong pinag-iisip ko!'.

Lumapit siya sa akin at nakangiti pa rin. "Sorry, Pippa Zhynly. Kasi naman eh! panira ka ng moment may binabasa akong nakakaiyak sabay papasok ka!" she said.

"Akala ko kasi kung anong nangyari sa'yo, Cous" pilit na ngiti ko.

Nang mapatingin siya sa kamay ko na hanggang ngayon hawak-hawak ko pa rin pala. "Anong nangyari sa'yo? Ito ba yung nahawakan ko kanina?"

"Yup, pero ayos lang ako. Matagal ko na rin naman 'tong iniinda" tipid na ngiti ko. "Medyo masakit nga eh, pero kaya ko naman"

I pouted. "Sorry talaga, Zhynly."

"Okey lang, Cous. Pero sana--" tumingin ako sa mata niya. "Sana pagkatiwalaan mo ako"

"Ano bang pinagsasabi mo dyan, Zhynly?. Syempre pinsan kita kaya pagkakatiwalaan kita. Bakit ba ang drama mo?" tingin niya sa akin at tumawa. "Para kang tanga sa expression ng mukha mo. Mukha bang hindi kita pinagkakatiwalaan?"

"Hindi naman sa ganun, Cous. Pero sana nga mali ang iniisip ko"

"Sa tingin mo? Bakit hindi naman kita pagkakatiwalaan? Wala ka naman sinekreto sakin dati, right?" tingin niya sa mga mata ko ng bigla akong umiwas. 'Meron, Cous. Pero alam ko naman na malalaman mo rin yun. Kailangan ka pa rin namin protektahan'.

"Oo naman, Cous".

"Yun naman pala eh!. Hehe!.. Paalam tayo kay Nanay lumabas bili tayong cupcakes" ngiti niya.

"Sige, tara" ngiti ko rin. 'Masyado ko lang sigurong inisip na hindi siya nagtitiwala sa akin'. Naglakad na kami papunta sa may kusina at naabutan namin na naghuhugas si Tita Ninang ng hugasin.

"Nanay!" ngiti niya. "Pwede po ba kaming lumabas ni Zhynly para bumili ng cupcakes?"

"Hindi pwede" sagot ni Tita. "Kung hindi ako kasama."

THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon