Chapter Four:
Third Person's POV
Bumaba na si Cloude sa kanyang sasakyan papasok ng bahay nila. Inihatid na niya si Skyler sa bahay nito. Napatigil si Cloude sa kanyang paglalakad ng biglang kumirot ang kanyang ulo. "Damn!" sumandal siya sa pader.
"Pre, dapat magpacheck-up ka." bigla niyang naalala ang sinabi ni Mike sa kanya, bigla kasing sumakit ang ulo niya habang kasama ito. Nalaman niya rin ang totoong pagkatao ni Mike, na isa ito sa anak ng Merrick at walang nabago sa pakikitungo niya dito.
Umayos na ng tayo si Cloude na mawala na ang kanyang iniinda. Naglakad na siya papasok at nakita niya si Amber Ice na papaakyat sa hagdan. "Ai!" tawag niya dito.
Huminto naman si Amber ngunit hindi siya nito nilingon. "What?"
"I need to talk to you about Sky" sabi niya.
Tumingin si Ai sa itaas at bumaba sa hagdan habang naka-cross arm. Nang makababa tinignan ni Ai si Cloude "So?" tanong ni Ai sa kanya. "Anong problema?" Nakita naman ni Amber Ice ang hindi magandang ekspresyon ng mukha ni Cloude sa kanya.
"Ikaw ang unang makakaalam ng desisyon ko" sabi ni Cloude. Hindi naman umimik si Ai dahil hinihintay niya ang sasabihin ni Cloude. "I'm getting merried".
"What?! Sa babaeng 'yun, Cloude?!" hindi makaniwalang tanong ni Ai.
"Ai, hindi ko hinihingi ang opinion mo, gusto ko lang sabihin sa'yo. Sana naman mabago mo ang pakikitungo mo sa kanya, para lang sa akin" kita ni Ai ang nakikiusap nitong mata.
"Sa tingin mo, mababago ang ugali ko sa babaeng 'yun kapag sinabi mo sa akin ang plano mong pakasalan siya?. No, Cloude! She's not good for you, you don't know her at all. Hindi na siya ang Sky na minahal mo. Maniwala ka sa akin, Ate mo ako"
"No! I love her."
"I'm telling you, you don't love her... Gagamitin ka lang niya, Cloude."
"Ai, please!"
"Habang maaga palang sinasabi ko na sa'yo, alam kong maling babae ang papakasalan mo. Sana bago ka magplano ng ikakapahamak mo, pag-aralan mong mabuti ang mga desisyon mo. I'm just reminding you, may nawawala ka pang naaalala, Cloude. If I were you, aalamin ko muna ang mga nawala sa akin, bago ako magdesisyon na maaari kong pagsisihan sa huli" nakatingin si Ai sa kanyang kapatid, alam niyang matigas ang ulo nito pagdating kay Sky, noon pa man.
"Siguro kasi mas gusto mo ang Twilight na yun para sa akin, hindi ba?"
"Kumpara kay Althea? Oo, mas gusto ko sya para sa'yo. Pero, ikaw pa rin ang magdedesisyon ng taong papakasalanan mo. I am just your sister, I just want your decision to be right. Marriage is not easy, Cloude... do not rush about that. Remember this, Cloude, you are my only brother and I just want to protect you. But if you're not listening to me?. Wala na akong magagawa" kibit balikan ni Ai.
"Bakit hindi mo sabihin sa akin ang nalalaman mo?" tanong ni Cloude.
"Ang tanong... Maniniwala ka ba?. Hindi. Alam kong pinagduduhan mo rin ako, right?. Kaya hindi ko na lang sasabihin sa'yo ang mga nalalaman ko, hahayaan na lang kitang alamin ang mga dapat mong malaman. Alam ko ang kakayahan mo, Cloude. So before you marry Althea, alamin mo muna ang background niya. Right now, this is all I can help you with, dahil alam kong hindi ka magtitiwala sa akin. Good night!" umakyat si Ai sa taas at naiwan si Cloude na nag-iisip dahil sa mga sinabi nito.
Nakahinto lang si Cloude sa kinatatayuan niya habang iniisip ang mga sinabi sa kanya ni Amber Ice. 'Hindi 'to tungkol sa babae 'yun, tungkol 'to sa mga nawala kong alaala. Mahalaga ba talaga ang mga nawala kong alaala?' Napailing si Cloude at naglakad papunta sa kusina para tignan ang kanyang ina.
BINABASA MO ANG
THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)
ActionPaano ibabalik ni Twilight Sky Smith ang nawalang alaala ni Cloude Yule Hollis? kung pati ang alaala niya ay nawala na rin. Parehas na ba nilang kakalimutan ang nakaraan at mananatili sa kasalukuyan o hahanapin nila ang sagot sa mga tanong na gumugu...