Chapter Sixteen:

2.9K 84 10
                                    


Chapter Sixteen:

Althea Skyler's POV

Nakangiti ako habang tinitignan ang gown na puti na susuotin ko mamaya. 'Wala nang makakapigil sa mangyayari mamaya'. ngiti ko.

"My Princess" rinig kong tawag sa akin ni Dad kaya napatingin ako sa kanya. Nasa harapan siya ng pinto ng kwarto ko habang nakangiti.

"Dad!" lapit ko sa kanya at niyakap ko siya. "Akala ko hindi kana makakarating eh!" I pouted.

"Me?.. Of course not? Palalagpasin ko ba naman ang araw na masaya ang nag-isang prinsess ko" halik ni Dad sa noo ko.

"Sayang nga lang kasi wala na si Mom" tingin ko sa kanya.

"Dahil 'yun kay Lambert. Kaya wag mo 'yang kakalimutan na nawala ang Mom mo dahil sa Lambert na yun, sa ama ng taong papakasalan mo!." tingin sa akin ni Dad.

"I know, Dad. Hindi ko kakalimutan yan. I love Cloude so much, kaya hindi ko siya sasaktan, ang pamilya niya lang. Pwede naman yun diba, Dad?" tinignan ko si Dad at nakatingin lang siya sa akin.

"I don't think so? Pero mas maganda na pagkatapos ninyong ikasal, magkaanak na kayo, dahil baka isang araw maalala niya ang anak ni Dark Slyter Smith. I don't want you to get hurt, kaya mas magandang madaliin ang lahat" tumango lang ako. "Hindi mo alam baka biglang magbago ang nararamdaman ni Cloude sa'yo." napalunok ako sa sinabi ni Dad.

"Hindi yun mangyayari, Dad. Matutuloy 'tong engagement party namin ngayon at matutuloy ang kasal namin after graduation nila. Tutulungan mo naman ako na mangyari yun, diba?"

"Yes, Of course. Gusto kong maging masaya ka at makuha mo ang lahat ng gusto mo" ngiti niya.

"Thanks, Dad" yakap ko sa kanya at lumayo na sa kanya.

"Malaki ang koneksyon at impluwensiya ng mga Hollis kaya kapag naging mag-asawa na kayo, pwede nating malaman ang bawat  koneksyon nila na maaari natin agawin" tinignan ko si Dad ng masama. "Kung pwede na nga lang sa anak ka nalang ng BlackDragonzs magpakasal"

"BlackDragonzs? Kasama ba sila sa Organization? Hindi ko matandaan kung may nabasa akong details tungkol sa BlackDragonzs"

"Kasama sila sa top 5 na pwedeng maging susunod na leader sa Mafia Assassin's Oranization. Hindi mo ba nabasa yun?" tingin sa akin ni Dad ng masama.

"Mas interasado ako sa mga properties ng future husband ko, Dad. Kaysa sa mga taong hindi ko naman dapat kilalanin" I rolled my eyes.

"Mas malaki ang impluwensiya ng BlackDragonzs kaysa sa mga Hollis at Darklight tandaan mo yan" turo sa akin ni Dad.

"Pati ang Darklight?. Diba grupo yun ng mga Smith?. Ma-impluwensiya rin sila?. Tell me, Dad. Diba mas maimpluwensya ang Harwell diba kaysa sa Darklight?" ngiti ko kay Dad.

"Pang-huli tayo sa ranking... Nangunguna ang Hollis at BlackDragonzs at sumunod ang Darklight at bago tayo ang Merrick muna" paliwanang ni Dad.

"What?. Are you serious, Dad?. Mas nauna pa ang group ng tunay na pamilya ni Autumn kaysa sa atin?" hawak ko sa noo ko. "Hindi dapat tayo nasa huli"

"Hindi naman tayo magiging huli kung magiging asawa mo si Cloude. Diba? My Princess?" malaking ngiti ni Dad. "Gaganti pa tayo para sa Mom mo. Tandaan mo yan"

Tumango ako. "Yes, Dad. Magiging asawa ko si Cloude at makakaganti tayo sa pamilya niya dahil pinatay ni Mr. Hollis si Mom" tingin ko sa malayo. 'Silang lahat buo ang pamilya nila pero ako kulang dahil wala si Mom.'.

* * * * * *


Amber Ice's POV

Nakataas ang kilay ko habang nakatingin lang ako sa gown na naka-display sa kwarto ko. Gown para engagement party ni Cloude mamaya. 'I'm not damn excited. Sayang lang sa oras at panahon ni  Cloude sa gagawin niya'. I rolled my eyes.

THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon