Chapter Fifteen:

2.9K 86 7
                                    

Chapter Fifteen:

Yohan Clyne's POV

"Thanks, Clyne." ngiti ni Twilight nang maihatid ko siya sa gilid ng bahay nila. Ayaw niya kasi ihatid ko siya sa mismong gate nila.

"Thanks rin. Sana may part two" Tawa ko.

"Bahala na... Sige ingat ka" kaway niya.

"Yung bahala mo parang gusto mo rin ng may kasunod. Hahaha!. Sabi ko naman sa'yo eh! Tawagan mo na lang ako. Sige bye!" kaway ko at naglakad na siya papunta sa gate ng bahay nila. "Light!"

Lumingon siya sa akin. "Bakit?"

"Wag mo akong mami-miss ha?" nakita ko ang pag-smirk niya. "Hahaha!. Bye!" kaway ko kahit na naglalakad na siya papasok ng gate ng bahay nila.

Ilang minuto pa akong naghintay inis-start ko na ang makina ng sasakyan ko at nagdrive na ako palayo. Nang mapadaan ako sa isang sasakyan na nakasarado ang ilaw. Napatingin ako sa driver seat ng sasakyan at nakita kong nakatingin siya sa akin ng masama. "Anong ginagawa niya dito?"

Huminto ako sandali sa tapat ng sasakyan niya at nakatingin lang siya sa akin ng masama. Pero nginitian ko lang siya, ang pinakagwapo kong ngiti. Agad ko rin naman pinaandar ang sasakyan ko at napangiwi nang makita ko ang sasakyan na hinuntuan ko kanina ay nasa likod ko na. "What the!" agad kong inapakan ang break ng sasakyan ko dahil nakaharang na ang sasakyan niya sa dadaanan ko. Ngumisi siya at agad niya ring pinaandar ang sasakyan niya.

Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya. Pinaandar ko na ang sasakyan ko palabas ng village. Napangisi ako nang makita ko ang sasakyan niya na nakaharang sa dadaanan ko. Matulin kong pinaandar ang sasakyan at nagbreak sa tapat ng sasakyan niya na halos dangkal na lang ang layo ng sasakyan ko sa sasakyan niya.

Tinignan ko siya mula sa sasakyan ko at nakikita ko na nakatingin pa rin siya sa akin ng masama. "Anong problema ng isang 'to?"

Lumabas siya sa sasakyan niya kaya lumabas rin ako. Nang makalabas ako nakasandal na siya sa gilid ng sasakyan niya. Masama ang tingin niya sa akin. 'Anong problema niya?'.

"Anong problema mo? " tanong ko sa kanya. Nakatingin siya sa unahan ng sasakyan namin at tumingin sa akin. Alam kong binabasa niya ako dahil sa pagkakatingin niya sa akin ng masama.

"I hope you take care of her, but I know you will do that...Yohan" sabi niya na kinagulat ko.  "by the way, welcome back" dagdag pa niya at naglakad na siya papasok ng sasakyan niya.  Hindi ko namalayan na nakapasok na siya sa sasakyan niya dahil nasupresa ako sa mga sinabi niya.  'Cloude Yule Hollis, may naalala kana ba?'.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalayo na ang sasakyan niya. Napailing ako at sumakay na rin sa sasakyan ko habang iniisip pa rin ang mga sinabi niya sa akin.

* * * * * *

Cloude Yule's POV

Tumingin ako sa wrist watch ko at 1:25 AM na. Pumasok ako sa loob ng bahay,  nang paakyat na ako papunta sa kwarto ko, napansin ko si Ai na nahiga sa couch at mukhang nakatulog na siya. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan siya,  malalim na ang tulog niya kaya binuhat ko na siya para dalhin sa kwarto niya.  Ayoko na siyang gisingin dahil alam kong marami pa siyang itatanong sa akin.

"Cloude..." tingin sa akin ni Ai pero pumikit rin agad. 'That's good'.

Hiniga ko na siya sa kama niya at kinumutan. "Ang bigat mo, Ai. Ang taba mo na kasi"

"Siraulo ka!" bulong niya kaya tumawa lang ako. Natulog na uli siya kaya lumabas na ako ng kwarto niya.

"I hope you take care of her, but I know you will do that...Yohan" hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon kay Yohan, at bakit ganun ako kay Twilight.  Siguro dahil nakikita ko ang itsura niya sa babaeng nasa panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit siya ang nakikita ko at hindi si Sky.

THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon