Chapter Nine

3.1K 95 2
                                    

Chapter Nine:

Kelly Ann's POV

Hindi ako makatulog kahit alas-dos na nang gabi kaya bumangon ako sa kama ko para pumunta sa may maliit na balcony ng condomium na tinitiran. Nakatingin lang ako sa layo habang nakikita ko ang mga liwanag ng ilaw sa baba na akala mo bituin dahil sa maliliit na ang ilaw.

Napabaling ang atensyon ko sa cellphone ng tumunog ito. Nakita ko yung pangalan niya. 'May problema na naman ba siya?' Tinap ko ang answer botton ng cellphone ko.

"Hello!..."

"Punta ka dito sa bar hintayin kita" pagkasabi niya ay nawala rin yung tawag niya.

"Anong problema niya?"

Pumunta ako sa kwarto ko para kuwain ang jacket ko at nagsuot ako ng pants habang nakasando lang ako sa loob. Naglakad na ako papunta sa pinto para lumabas.

Pumunta ako sa bar kung saan lagi kaming nagkikita tuwing may problema kaming dalawa. Pumasok na ako sa bar at madali ko siyang nakita. Uminom siya ng alak at niyuko niya yung ulo niya sa may lamesa.

'Mukhang may problema nga siya. Ano na naman kaya yun?'

"Hey!" umupo ko sa tabi niya. "Mukhang hindi ka okey? Lovelife na naman ba yan? Wala na yata akong mapapayo sa'yo" biro ko sa kanya.

Nagulat ako sa ginawa niya. Bigla kasi siyang tumingin sa akin at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. "Gusto ko lang makasama ka". Mas nagulat ako sinabi niya at bigla akong napalunok kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. 'Bakit siya ganito?'

"Ganun ba?" ngumiti na lang ako. "Akala ko may problema ka nanaman eh!"

"Wag kang mag-alala kapag nandyan ka naman parang wala na akong problema" nagulat na naman ako sa sinabi niya. 'Ano bang sinasabi niya?'. Bigla niya akong inakbayan habang nakangiti. "Joke lang, pare!" sabi niya at tumawa 'Joke lang pala'.

Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala siyang side. Parang hindi kasi bagay sa tahimik at seryoso niyang mukha.

"Ahh! Joke, marunong ka pala mag-joke. Akala ko pa naman napakaseryoso mong tao" pagbibiro ko at nakita kong ngumiti naman siya. "Umuwi kana, lasing kana" tanggal ko sa braso niya sa balikat ko pero hindi ko matanggal kaya tinignan ko siya.

"Okey. Sabi mo eh!. Tara na" siya habang nakaakbay pa rin sa akin. Kaya hinayaan ko na lang dahil mukhang marami na siyang nainom. Tumayo ako habang nakaakbay pa rin siya sa akin.

"Pinapunta mo lang pala ako dito para may magpauwi sa'yo. Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo kanina" sabi ko at ganun pa rin siya nakangiti lang. "Baliw kana ba?" Tumawa lang siya. "Tara na nga!"

"Okey" sabi niya kaya inalalayaan ko na siya palabas ng bar.

* * * * * *

Athan's POV
(Samantha Williams)

Pumunta na uli ako sa parking lot dahil mukhang wala naman si Kelly sa unit niya. 'Baka nasa bar'. Kaya pumunta agad ako sa sasakyan ko para magdrive.

~~~

"Kelly!" tawag ko sa kanya pero mukhang hindi niya ako narinig. 'Sino yung kasama niya? Yung kayakap niya?.' Bumaba ako sa sasakyan ko para puntahan siya.

"Kell—" hindi ko natuloy ang pagtawag ko sa kanya dahil may humila sa akin. "Sino ka? Anong ginagawa mo dito, Bwisit ka?!" hawak niya ang kamay ko.

"Kahit sa dilim kilala mo pa rin ako baby girl" Yuck! Baby girl. 'Bwisit na lalaking 'to. Lagi na lang ba siya eeksena sa buhay ko. Bwisit!.'

THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon