Chapter Twenty-Two:
Twilight Sky's POV
Nakatingin lang ako kanila Lourd at Clyne na may hawak ng tag-isang box ng cupcakes. Nakangiti pa silang dalawa habang nakatingin sa akin at biglang nakatinginan. Binigyan ni Lourd ng masamang tingin si Clyne samantala si Clyne naman ay ngumiti lang.
"Ano 'yan? puro cupcakes nalang ang kakainin ni Cous?" upo ni Zhynly sa upuan na nasa harapan ko at tumabi naman sa kanya si Jacob. "Tyaka ang dami kaya niyan?"
"Dapat kasi hindi kana bumili!" sabay pa nila Lourd at Clyne.
"Okey lang 'yan no? tutulungan ko naman si Twie na ubusin 'yan. Diba?" ngiti sa akin ni Jacob.
"Hindi kay Twilight/Light lang 'to!" sabay naman ng dalawa.
"Tss!. The two jerks!..." ngiwi ni Zhynly at tinaasan ng kilay ang dalawa. "Ibigay ninyo na nga yang mga cupcakes na binili ninyo!... Tapos manglibre kayo ng pagkain"
"Oo nga" ngiti ko at agad naman inabot ng dalawa yung box sa akin. Naglakad sila palayo.
"Hanep! Ang bilis kausap" ngiti ni Jacob. "Ikaw na ang maganda, Cat" dagdag pa niya.
"Thank you" ngiti at tawa ko. 'Minsan lang akong sabihan ng maganda kaya ipagpasalamat lang 'yan'. Binuksan ko na yung bigay sa akin ni Clyne na box.
"Wow!... Si Yohan pala ang nangunguna" sabi ni Jacob kaya napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo.
"Anong ibig mong sabihin, Jacob?"
"Kay Yohan kasi yung una mong binuksan na box."
"Tss! You're not thinking! Tignan mo kaya, nasa itaas yung sa kanya" paliwanag ko.
"Oo na nga lang..." iling niya. "Pero, Twie... Kung liligawan ka ng dalawang yun sino ang sasagutin mo?"
"Oo nga, Cous. What if ligawan ka nila?" ngiting nakakaloko ni Zhynly.
Napatingin ako kanila Lourd at Clyne at napangiti ako. "Wala" balik tingin ko sa kanila. "Dahil para sa akin kaibigan ko lang sila at ganun rin ako sa kanila."
"Paano kung hindi lang kaibigan ang tingin ng dalawang yan sa'yo?" tanong uli ni Jacob. "Base sa mga ginagawa nila para sa'yo mukha doon sila pupunta"
"Ayoko isipin 'yan. May mga dapat pa akong gawin at hindi sila kasali sa mga yun" balik tingin ko kanila Lourd at Clyne. Tumingin uli ako kanila, Jacob at Zhynly na nakatimgin sa akin. "Anong tingin 'yan? may nasabi ba akong masama?" 'O may napansin na naman kayo sa kinikilos ko?. Ingat, Twilight Sky sa mga pagsasalita mo' tinignan ko lang sila.
"W-Wala, Cous." ngiti ni Zhynly at tumingin kay Jacob. "Ang tagal naman ng dalawang yun, no?" angal niya.
"Oo nga eh!" ngiti ko at kumain na ako ng cupcakes. Alam kong nahahalata na ni Zhynly ang mga kinikilos ko kaya dapat na akong mag-ingat. Ayokong makisali sila sa mga bagay na gusto ko ako lang muna ang gumagawa.
"Parating na yung dalawa.. Mukhang marami tayong pagkain ngayon ha?" ngiti ni Zhynly.
"Baka kumain kana naman ng marami" tingin ni Jacob kay Zhynly.
"Bakit takot ka mawala ang kasexy-han ko?. Bakit iiwan mo ako kapag tumaba na ako no?" tingin ni Zhynly kay Zhynly.
"Maging Peppa pig ka man sa akin paningin, ikaw pa rin ang aking iibingin." patula na sabi ni Jacob at humawak pa sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)
ActionPaano ibabalik ni Twilight Sky Smith ang nawalang alaala ni Cloude Yule Hollis? kung pati ang alaala niya ay nawala na rin. Parehas na ba nilang kakalimutan ang nakaraan at mananatili sa kasalukuyan o hahanapin nila ang sagot sa mga tanong na gumugu...