Chapter Twenty-Six:
Twilight Sky's POV
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang magpa-party si Ate Ai. Isang linggo na rin ang nakalipas ng magkaharap kami ni Cloude. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya at ang pag-iyak niya sa harapan ko.
"I really love you always and forever until I die."
"Ang tanga ko noon dahil hindi ako naniniwala sa puso ko. Ang tanga ko, dahil sinaktan kita. Ang tanga ko, dahil mawawala ka sa tabi ko. Nawala ka sa'kin".
"Pipilitin kong hindi magpakita sa'yo, kahit gustong-gusto kitang makita. Sorry because I'm stupid, I didn't remember you. Mahal na mahal kita, My Queen."
Gusto kong maniwala sa mga sinasabi niya pero hindi, hindi ko kaya. Hindi ko na kayang maniwala sa sinasabi niya dahil ibang iba sa mga ikinikilos niya.
Isang linggo ang lumipas, hindi ako nagpapakita kanila Zhynly at sa mga kaibigan ko. Desisyon ko na hindi muna magpakita sa kanila at tinulungan ako nila Tatay at Nanay na magawa yun.
May pakiramdam ako na alam na nila Tatay at Nanay na may naalala ako. Ngunit hindi nila ako kinompronta, hinayayaan nila ako sa mga gusto kong gawin at alam kong makakabuti sa lahat. I'm so happy kasi may magulang ako ng katulad nila.
Napatingin ako sa paligid ng kwarto ko, isang linggo ko na rin siyang hindi natutulungan. Hindi ako umuwi ng bahay pagkagaling ko sa party ni Ate Ai. Nagcheck in ako sa isang hotel at itinawag ko yun kanila Nanay. Gusto ko muna kasing makapag-isa at makapag-isip-isip pagkatapos naming magkita at mag-usap ni Cloude Yule.
Nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan ng kwarto ko kaya napalingon ako. Iniwan ko namang bukas ang pinto kaya makikita ko agad kung sino ang kumatok. "Welcome back, Sweetie!" ngiti ni Nanay habang may hawak siya ng tray na may lamang pagkain.
"Sorry po kung padalos-dalos ako ng desisyon" tingin ko kay Nanay.
"Naiintindihan ko at kung hindi ko maiintindihan, pipilitin kong intindihin" sabi ni Nanay kaya napayakap ako sa kanya.
"Thanks po. Sorry kung nagiging pasaway ako... Gusto ko lang talagang malaman ang mga bagay-bagay dahil kahit may naalala na ako nalilito pa rin ako. Pati puso't isip ko hindi magtugma sa mga desisyon ko"
"Sweetie, we're here ng Tatay mo. Willing kaming tumulong para sa kaibubuti mo. Kaya sana wag mong isipin na kalaban mo kami"
"Hindi ko po yun iniisip... natatakot lang ako sa mga malalaman ko"
"Desisyon mong malaman kung ano ang nakaraan mo, kaya dapat handa rin ang sarili mo kung ano man ang malalaman mo. Kung masasaktan ka sa malalaman mo nandito kami ng Tatay mo" mahigpit na yakap sa akin ni Nanay.
"Sorry po talaga, Nanay. I hate myself kasi pati sarili ko hindi ko na maintindihan" Niyakap lang ako ni nanay ng mahigpit.
~~~
Nasa hapag kainan na kaming tatlo nila Tatay at Nanay. Tapos na kaming kumain pero nakatingin pa rin sa akin si Nanay. Gusto niya sigurong ako ang magsabi kay Tatay ang desisyon ko after graduation.
"May gusto ba kayong sabihin? Tell me?" patingin-tingin sa amin ni Tatay.
"Tatay..." napalunok ako habang nakatingin sa kanya. "Gusto ko sanang umalis ng bansa after graduation" nakatingin lang sa akin si Tatay. "Sana payagan ninyo ako"
His sighed at tumingin siya kay Nanay. "Wife... You sure? I guess, you know what she wanted?"
"Oo. Sure na ako na payagan siyang umalis" tingin sa akin ni Nanay. Napangiti naman ako kay Nanay. "Kahit mahirap para sa akin"
BINABASA MO ANG
THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)
ActionPaano ibabalik ni Twilight Sky Smith ang nawalang alaala ni Cloude Yule Hollis? kung pati ang alaala niya ay nawala na rin. Parehas na ba nilang kakalimutan ang nakaraan at mananatili sa kasalukuyan o hahanapin nila ang sagot sa mga tanong na gumugu...