Chapter Nineteen:

2.8K 86 6
                                    

Chapter Nineteen:

Twilight Sky's POV

"Take care, Sweetie" sabi ni Nanay. Nagpaalam kasi ako sa kanya ba magkikita kami ni Autumn. She was happy ng marinig niyang magkabati na uli kami. Tutal naman pang-gabi ang pasok ko sa company kaya niyaya ko si Autumn na magkita kami.

"Yes, Nanay. I will" ngiti ko. At naglakad na ako papunta sa sasakyan na may driver. 'Dati naman walang ganito'.

Nakaupo na ako sa backseat habang umaandar na ang sasakyan. Alam na naman ng driver kung saan ako pupunta. Kinuha ko ang laptop ko pero biglang may nahagip ang mata ko sa may pintuan ng sasakyan.  "Kuya driver, paki-hinto nga ng sasakyan"

"Sige po" sabi niya at iginilid ang sasakyan sa may kalsada. "Anong problema, Young Lady?"

"W-Wala." ngiti ko. "Sige na, kuya, sa restaurant na tayo" sabi ko at ngumiti sa kanya. Pinaandar na naman niya ang sasakyan habang ako hindi mapakali sa nakikita ng peripheral vision ko. Tiniklop ko na uli ang laptop ko at nilagay ko na uli sa lagyanan nito. 'Hidden Camera' sabi ng isip ko.

Hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa mga bagay-bagay. 'Yung mga panaginip ko na alam kong nangyari na yun sa akin. Pero sino 'yung taong kasama ko? Sino 'yung mukhang babae pero parang lalaki.

'Lalaking mukhang babae!,Lalaking mukhang babae!, Lalaking mukhang babae!.'

"Lalaking mukhang babae" bigla kong nasabi at hindi ko alam kung bakit ngumiti ako ng parang ewan. "What happened to me?" 'I need an answer to all my questions. Ang sakit sa ulo ng ganito.' Parang navirus-an ang utak ko, kung walang pang-scan kailangan i-format. Para magamit pa.

"Young Lady, nandito na po tayo" sabi ng driver ko.

"Thanks, Kuya" ngiti ko sa kanya. Lumabas na ako papunta sa restaurant. Nagpareserve na kasi ako para sa amin ni Autumn.

"Twie!" lapit niya sa akin. "Sakto lang pala ang pagdating ko papasok ka palang"

"Yeah!. Let's go" aya ko at naglakad ng kami papasok. Tinuro sa amin ng waiter kung saan kami uupo.

"Masyado yata tayong tago?"

"Ayokong may maka-istorbo sa atin, I need your answer to all my questions. Na alam mong nakakatulong sa akin,  that's why we are here"

"Okey.." sagot niya. "Sana hindi magalit sa akin si Zhynly" ngiwi niya.

I nodded. "Ako ang bahala sa'yo." ngiti ko.

Nakalagay na ang mga pagkain na pinareserve at kumain na kami ni Autumn.

"So?.. Anong first question mo?"

"Totoo ba ang organization na kasama ang tunay mong magulang?" mahinang tanong ko. Pagkatapos ko siyang kausapin kagabi na magkita kami binasa ko uli ang nakalagay sa flashdrive at kahit papaano may naiintindihan na ako.

Napahinto siya sa pagkain at tumingin sa akin. "Ang hirap na agad ng unang tanong mo"

"Sorry? Pero kailangan mong sagutin... Sayang naman yung pagrereserve ko dito kung wala akong malalaman" I smile.

"Nangunsensya pa. Okey?!. Yes kasama doon" ngiti niya. "At ang pamilya mo"

"Wala akong nakitang apelido namin, kaya nga nagtataka ako?"

"Nabasa mo ba ang 'Darklight' doon?" tanong niya kaya bigla akong napaisip.

"Tss!.. Kaya pala" napa-face palm ako. Napatingin ako sa kanya. "Edi?... Edi kasali ka rin? Nabasa ko kasi doon na isa sa mga anak leader sa top 5 ay magkikita-kita sa darating na araw. Ilang buwan na lang pala yun" I pouted. "Wala pa rin akong alam"

THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon