Chapter Twenty:

2.9K 72 3
                                    

Chapter Twenty:

Mike Winz's POV

Nasa bahay ako ng mga Merrick at nasa opisina ako ni Mr. Merrick, ng tunay ama ko. Wala si Autumn dahil kasama niya daw si Homer ng tawagan ko siya. kaya nagtataka ako kung bakit niya ako pinatawag.

"Son..." agad na bungad niya sa akin. "Buti naman at pumunta ka" naupo siya upuan niya habang ako nakatayo lang. "Ayaw mong maupo?"

Umupo ako. "Ano bang problema? Wala naman sakit si Autumn" tingin ko sa kanya at ngiti lang siya.

"Hindi ba pwedeng ako lang ang dahilan, kung bakit kita pinanpunta?. Son, sana wala tayong samaan ng loob." tingin niya sa akin. "Kung iniisip mo ako pa rin ang nagpapatay sa kinalakihan mong pamilya, hindi ako"

Tumahimik lang ako habang nakatingin sa kanya. "Diba sabi mong wag kong pakialaman si Jessieca at ang boyfriend niya?" nakatingin pa rin ako sa kanya. "Gusto kong ipagkasundo sana si Jessieca sa anak ng kaibigan ko, alam ko kasi mas maalagaan niya si Jessieca kaysa sa Homer na yun" naningkit ang mga mata ko.

Nakikita ko kung gaano kamahal ni Autumn si Homer at nakikita rin kung gaano alagaan ni Homer si Autumn. Nasa tingin ko sapat na sila para sa isa't-isa.

"Pero dahil sa sinabi mo wag kong papakialaman ang kapatid mo. Ikaw na lang ang i-aarranged ko" tinignan ko lang siya kahit sa sistema ko nanginginig na ako sa inis sa kanya. "Bukas mo siya makikita, sana pumunta ka" hinagis niya sa akin ang isang sobre.

"Wag kang mag-alala pupunta ako." sabi ko at tumayo na ako. Naglakad na ako at napalingom sa kanya. "Ganyan ka  bang klaseng ama? Mas gusto mo pang siguraduhin ang kaligtasan ng kayaman mo kaysa sa kasiyahan ng anak mo?" napailing ako ng makita kong napatiklop ang kamaao niya.

"Pero wag kang mag-alala, pupunta ako dito" taas ko sa sobre. Alam ko naman na pangalan ng lugar kung saan kami magkikita. "Siguraduhin mo lang maganda yung babaeng ipakakasundo mo sa akin, masyado akong gwapo kung para sa panget lang" ngiwi ko at binuksan ko na ang pinto at isinara pabalibag.

Habang dire-deretso akong maglakad papalabas ng bahay nila. Kinuha ko añg cellphone ko para tawagan si Rexie.

Ilang beses ko na siyang tinatawagan pero walang sumasagot. "Nak nang!.. Pag hindi mo pa 'to sinagot, papasabugin ko bahay ninyo" tinawagan ko uli siya.

"Hello? Sino 'to?" base sa boses niya mukhang natutulog na siya.

"Pumunta ka sa bar na itetext ko sa'yo. Mambabae tayo" sabi ko sa kanya.

"A-Ano yun?.."

"Nak nang!.. Paulit- ulit?"

"Akala ko ba naman nagbabago kana. Tyaka akala ko kay Travis mo na ibinibigay yung titolong yan"

"Mas nauna ako sa kaya... Kaya wag kanang matanong dyan pumunta ka nalang!"

"O-Oo na.. Magpapaalam ako kay Mom. Pahamak ka rin eh!."

"Tss!.. Dalian mo!" sabi ko at in-end ko na ang tawag.

"Kuya!"

Napatingin ako kay Autumn. "Anong ginagawa mo dito? Dito ka ba matutulog?" sabi niya at ngumiti.

"H-Hindi. May sinabi lang sa akin si Mr. Merrick. Paalis na nga ako". Nakita ko ang pang-nguso niya. "Aalis na ako, at matulog kana"

"Ingat ka, kambal" kaway niya. Tumango at ngumito lang ako sa kanya. Naglakad na ako papalabas ng mansion niya at pumunta na ako sa sasakyan ko.

THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon