Chapter Twelve

2.9K 78 6
                                    

Chapter Twelve:

Twilight Sky's POV

Lumabas na ako nang sasakyan at tumingin kay Kuya driver. "Itetext na lang kita, Kuya"

"Sige, Young Lady" sagot niya kaya naglakad na ako papasok ng school. Wala si Zhynly at Jacob kaya ako lang mag-isa ang pumunta. Kaya ko na rin naman ang sarili ko, at ayos din 'yun dahil walang maingay.

Pinatawag kasi kami ng Professor namin para sabihin sa amin kung kailan ang schedule ng defense namin. Kumatok na ako sa bukas na pinto ng office ng professor namin. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa loob. "Excuse me. Nandito pa si Mr. Dizon?" tanong ko sa babae na nakatingin sa akin.

"Miss Smith, pasok kana. Tatawagin ko lang si Mr. Dizon. Wala pa 'yung partner mo?"

"Wala pa yata... Tenext ko na naman siya baka dumating na rin yun" sagot ko.

"Okey, maupo ka muna. Tatawagin ko lang si Sir" sabi niya at naglakad na siya palabas ng pinto. Naupo naman ako sa isang upuan at tumingin-tingin sa paligid. 'Wala pa pala si Yuan Ramos. Ngayon ko lang siya makikita ng personal.'

Narinig kong may nagbukas ng pinto at nakita ko ang Professor namin. Naalala ko siya dahil nakikita ko siya sa school. Tumayo ako at tumingin kay Mr. Dizon na napatingin din sa akin.

"Miss Smith, nandito kana pala. Wala pa si Mr. Ho—"

"Sir!" napatingin ako sa likod ni Mr. Dizon at nakita ko ang lalaking tumawag sa kanya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, biglang bumilis ang tibok ng puso kom Napahawak ako sa dibdib ko dahil kitang-kita ko ang lakas ng tibok sa dibdib ko.

"Mr. Ho—"

"Yuan Ramos, Sir" sabi niya at nakita kong napakunot ang noo ni Mr. Dizon. Siya pala si Yuan Ramos. Nakatingin lang si Mr. Dizon kay Yuan. 'May problema ba?'.

"Okey!... Mr. Yuan Ramos, right?" tanong ulit ni Mr. Dizon sa kanya at tumango naman siya. "Magkakilala na ba kayo ulit sa personal?. Parehas kayong nagkaroon ng amnesia, diba?"

'Wala rin siyang maalala?. Magkakilala kami noon?. Kaya siguro ganun na lang ang kaba ko ng makita ko siya. Hindi naman siguro kami magkaaway? Sana hindi.' Ngumiti ako. "Ngayon lang—"

"Nagkikita kami, Sir. Kapag ginagawa namin ang feasib." singit niya kaya tumahimik na lang ako.

"Buti naman. Sige, maupo muna kayo" umupo na ako at tumingin ako kay Yuan Ramos na nakatingin sa kung saan. Umupo siya sa isang upuan na nakaharap sa akin kaya parehas kaming nakaharap kay Mr. Dizon. "Nabasa ko na ang pinasa ninyo sa akin, at nakakatuwa dahil napahanga ako sa ginawa ninyo. Nanghinayang din ako dahil pwedeng maging best in feasibility study ang gawa ninyo kung hindi lang kayo na-late. Pero umasa kayong magiging maganda ang grade na makukuha ninyo." sabi ni Mr. Dizon.

Ilang minuto rin kaming kinausap ni Mr. Dizon para sa schedule ng defense namin. "Sasabihin ko pa ba na galingan ninyo sa defense day nyo?" ngiti ni Mr. Dizon sa amin.  Tumingin siya sa relo niya. "May klase pa pala ako" sabi niya. "Magkita na lang tayo sa defense day ninyo, Miss Smith and Mr. Hollis" tingin niya kay Yuan Ramos.

"Hollis?" tanong ko. Napatingin sila sa akin at nakita ko ang pag-inda ni Yuan Ramos sa ulo niya. "Sino si Hollis?"

"Sorry. Mr. Ramos pala. Are you okey?" tanong niya kay Yuan. Kahit ako nakatingin din sa kanya.

"Yes, I'm okey, Sir." nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa ulo niya at tumingin kay Mr. Dizon.

"Okey, you can go. Baka kailangan ninyo pang magpahinga" tayo ni Mr. Dizon at tumayo na rin ako, ganun din si Yuan.

THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon