Chapter Seven

3.2K 117 2
                                    

Chapter Seven:

Twilight Sky's POV

"Kahapon lang kasama ko si Zhynly dito sa bahay. Hays!. Nakakamiss din 'yung ka-OA niya". Nakahiga lang ako sa kama ko habang naghihintay ng text ni Yuan pero wala pa rin. Baka busy siya sa paggawa ng feasibility namin, samantala ako walang ginagawa kung hindi maghintay na magtext siya.
 

To: Yuan Ramos;
Hi! Pwede ba ako tumulong sa feasibility ninyo ni Cous?
 
Huminga ako ng malalim at pinadala ko na text ko kay Yuan Ramos. Nagpanggap muna ako, na ako si Zhynly dahil baka mag-iba ang ugali niya sa akin. Sigurado kilala siya ni Zhynly dahil classmate namin siya, ako hindi ko siya maalala.   

:Yuan Ramos;
No need. I can handle it.

"Tss!. Ang yabang niya! Edi, siya na ang matalino" upo ko sa kama ko. "Dapat hindi Yuan ang ipinangalan sa kanya kundi Yabang!" Nakarinig ako nang pagkatok. "Sweetie, anong problema? May kausap ka ba dyan?"

"Po?." madali akong naglakad papunta sa pinto at agad itong binuksan. "Ano po yun, Nanay?"

"May kausap ka ba dyan?"

Umiling ako. "Hehe. Wala po akong kausap, kumakanta lang po ako ng rock. Hoo!" tumatalon-talon ako habang naghe-head bang pa. Narinig kong tumawa si Nanay. "Sige, pupunta muna ako sa kwarto namin ng Tatay mo".

"Okey po, Nanay." naglakad na siya at isasara ko na sana ang pinto bigla akong may naisip itanong kay Nanay. "Nanay!" tawag ko sa kanya. "Pwede po ba akong lumabas ng bahay?"

"Wala kang kasama" sabi niya.

"Ayos lang naman po sa akin na wala akong kasama. Payagan ninyo na po ako?" lapit ko kay Nanay at niyakap ang braso niya.

"Sige, pero sa isang kondisyon, kailangan mong magsama ng mga tauhan ng Tatay mo" napasimangot ako sa sinabi ni Nanay. 'Bakit laging kailangan may kasama akong tauhan ni Tatay? Sa pagkakaalala ko naman, wala namang nagbabantay sa akin? Billonaire na ba si Tatay baka makidnap ako?'.

"Kung 'yun po ang gusto nyo, pero sana po nasa malayo sila dahil nakakailang kung nakikita ko sila" request ko.

"Wag kang mag-alala ako na ang bahala doon" ngiti sa akin ni Nanay.

"Hehe!. Talaga po?. Thanks, Nanay. Magbibihis na po ako" excited kong niyakap si Nanay at naglakad na ako pabalik sa pinto ng kwarto ko.

"Okey, baba na ako muna ako para masabihan ko sila" umalis na si nanay at pumasok na ako sa kwarto ko para makapagbihis. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko dahil makakalabas ako ng mag-isa, sana nga lang talaga malayo ang mga magbabantay sa akin.

"Kumusta na kaya sya?" habang tinitignan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. "Sinong 'sya'?..." napahawak ako sa ulo ko. "Sinong iniisip ko? Si Homer? siguro dahil matagal na kaming hindi nagkikita." nakatitig lang ako sa mukha ko. "Pati ba naman ang iniisip ko, hindi ako sigurado" mahina kong pinalo ang ulo ko. "Nababaliw na yata ako, kinakausap ko na ang sarili ko"

Nang bumaba na ako sa sasakyan, nagulat ako ng may tatlong sasakyan ang nakasunod sa amin. Bumaba ang mga lalaking nasa loob ng van at yumuko sa akin bago lumayo. 'Bakit ang dami nilang magbabantay sa akin?'.

Naglakad na ako ng mapansin kong may dalawang sumusunod sa akin. "Kaya ko po ang sarili ko, hindi po ba kayo nasabihin ni Nanay?" pasusungit ko sa kanila.

"Per—"

"Pakiusap lang po, gusto ko pong mapag-isa" tinignan ko sila isa-isa at tumango lang sila. Hindi ko alam kung lalayo sila sa akin o susundan pa rin nila ako. Naglakad na lang ako at hindi ko na sila pinansin.

THE MAFIA ASSASSIN 2 (Begin Again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon