PANGAKO

121 3 0
                                    

Pangako

Mga pangakong napako
Mga taong nadismaya at nabigo
Ginawa ang lahat upang hindi mabali ang pangako
Na napako na lamang na nagdulot ng pait at sakit kahit kanino

Pag-iibigang nasira
Sa mga pangakong di na nagawa
Sabi'y hinding hindi iiwan
Magpakailan pa man

Mga bagay na dapat kalimutan
Mga pangakong napako na di na maibabalik muli ng panahon ng kalungkutan
Aking kaibigan, anong nangyari?
Bakit di mo mawari?

Ating pag-iibigan sa isa't isa bakit napapalitan ng galit sa puso
Ilang beses nangako
Sa isa't isa, bakit ngayo'y kinalimutan na ng puso?

Bagong kaibigan na hindi mo alam at kilala pa ng husto
O dating kaibigan na handang maghintay ng maghintay at magsakripisyo ng oras para sayo
Alin ang iyong pipiliin? Sa lahat ng pangako mo sa akin
Nandito ako at naghihintay para masabi sa akin na ang mga pangako mong napako ay kaya pa bang palitan ng bagong mga karanasan sa buhay na itong walang kasiguraduhan

TacendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon