SALAMAT

25 1 0
                                    

Salamat

Sabi nila, ang bawat katapusan ay sumisimbolo sa bagong simula,
Simula na maaaring masalimuot sa una na nagiging dahilan ng iyong pagluha,
Gayunpaman, nakukuha mo pa din ang ngumiti at tumawa,
Dahil sa bawat biyayang nakukuha mo at sa mga pagkakataong napakasaya

Paalam at maraming salamat,
Yan lamang ang gusto kong sabihin sa inyo na mga alamat,
Walang kupas ang suporta at pagmamahal na syang aking naging agimat,
Sa mga pagkakataong gusto ko nang sumuko at tumigil kaya't salamat

Aaminin ko, hindi kagandahan ang mga tulang naisusulat ko,
Ngunit para lamang sa inyo na aking mga minamahal na mambabasa at sa sarili ko na ilang beses nang ngumiti, tumawa at nasaktan sa mga pag-ibig na bigo,
Dito ko inilalabas ang lahat ng sakit at sayang nararamdaman ko,
Ngunit ginagawa ko din ang lahat ko upang mapaganda pa lalo at mas umayos ang mga tulang inia-alay ko din sa inyo

Para sa inyo aking mga minamahal na mambabasa, ang akin lamang masasabi sa bawat panahon at sa mga pagkakataong hindi sumasang-ayon ang tadhana sa mga kagustuhan natin,
Huwag kayong susuko, lumaban kayo at inyong patibayin ang inyong damdamin,
Lalo na sa mga pagkakataong kayo'y bumagsak at lumagapak sa ibaba ay subukan nyong pulutin,
Pulutin ang bawat piraso ng inyong mga sarili at tumayo sa inyong mga paa at magsimulang muli at siguraduhing tama ang daang inyong pipiliin

Mga pagkakamali na ating nagawa,
Ngunit palaging pakakatandaan na ito'y hindi palaging maitatama,
Sapagkat sadyang may mga bagay na hindi na maibabalik pa,
Tanging paalala ko lang sa inyo ay huwag na itong uulitin pa

At sa mga pusong nasawi,
Sa pag-ibig ay huwag magsasawa at bumangon muli,
Tandaan na hindi mo masasabing nagmahal ka kung hindi ka nasaktan, ganyan ang pag-ibig pero hindi,
Hindi ito palaging masaklap at puro sakit ang iyong mararanasan sapagkat depende din ito kung ano ang iyong pinili

Maging masaya,
Kahit na ang buhay ay puno ng gulo at hirap ay huwag tayong madala,
Madala sa mga pagsubok na ibinibigay sa atin ng Diyos sapagkat ito'y kanyang pagpapala,
Upang mas lalo tayong maging malakas at matibay sa buhay na unos at bagyo ang dala

Mga minamahal kong magbabasa,
Maraming salamat sa inyong oras at tiwala,
Maraming salamat sa mga suporta,
Hanggang sa muli tayo'y magkakasama sama at haharapin ng magkakahawak ang kamay ang bawat pagsubok sa buhay sapagkat tayo'y mas tumatag na.

TacendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon