NAGUGULUHAN AKO

40 2 0
                                    

Naguguluhan Ako

Naguguluhan ako sa sarili ko,
Kung bakit tila'y umaasa na naman ako,
Umaasa na baka mauwi ito sa pagmamahalan,
O kaya sa wala na naman

Naguguluhan ako dahil masaya ako sa tuwing kausap kita,
Naiinis ako sa tuwing naghihintay ako ng mga tawag mo o magrereply ka pa ba,
Masaya ako sa tuwing magtetext ka pagkagising mo pa lang sa umaga,
At tatawagan ako habang nagpapahinga ka pagkatapos mong mag-jogging sa umaga,

Naguguluhan ako nung sinabi mong mahal mo ako,
Hindi ko alam at hindi ako sigurado kung totoo,
Pinipigilan ko ang sarili ko na kiligin,
Sapagkat mahirap umasa sa isang taong hindi mo sigurado kung mamahalin ka bang talaga, ngunit alam ko ding mahirap at hindi tamang ang nararamdaman ay pigilin

Ngunit may maggagawa ba ako kung ayaw ko lamang masaktan?
Masama ba ang ingatan?
Ang puso kong naghilom na mula sa pagkakadurog mula sa isang bigong pag-ibig?
At gusto ko lamang maiwasan ang masaktan dahil lamang sa umasa at umibig?

TacendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon