HANGGANG DULO NGA BA?

23 1 0
                                    

Hanggang Dulo Nga Ba?

Nagsimula tayo sa kantang "Akin ka nalang",
Gustuhin ko mang kausapin ka pa ngunit may harang,
Sa puso kong ilang beses nang nasaktan at nagdiwang,
Sa mga sakit na idinulot ng mga dating pag-ibig na kay dalang,
Lumipas ang mga araw na kay dali,
Ni hindi natin namalayang tumagal na pala tayo ng walang hihingi,
Hinihinging kapalit na pag-ibig o kagustuhan sa isa't isa at hindi!
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing tayo'y nagkakausap ay tumitibok ang puso kong umaasa na naman sa wala,
Hindi ko man aminin pero bakit? Bakit ganun? Para bang napakabilis ng mga pangyayari,
At tila nagising na lamang tayo na may nararamdaman na tayo para sa isa't isa ngunit ito'y totoo nga ba?
Lumipas pa ang mga araw at unti unti na akong naniniwala,
Na hanggang sa dulo ay tayo pa din kaya?
Mahal, hindi man natin sabihin,
Alam natin na ang lahat ay may katapusan din,
Ang lahat ng ito'y pawang panaginip na kung saan ayaw ko nang tapusin,
Tapusin at magising sa katotohanang maaaring bukas makalawa ay wala ka na sa aking piling,
At aking hinihiling,
Na kung ako'y sasaktan mo din,
Mas mabuti pang itigil mo na ang mga pangako mong maaaring mapako o mangyari,
Sapagkat mahal, wala tayong kasiguraduhan kung tayo pa nga ba hanggang sa huli,
At kahit ako ngayon ay gulong gulo,
Bakit? Bakit hindi ka nagpaparamdam sa akin at parang naaaninag ko na ang dulo,
Dulo ng ating pagsasama na matatapos lang din pala sa "Ayoko na. Sawa na ako" kasama pa ang isang tuldok,
Upang tapusin na ang lahat at mabawasan ang sakit na maaaring maramdaman kung patatagalin pa at babalewalain ang dulong dapat ay puno,
Puno ng bagong pag-asa at sakit na maaaring idulot ng pag-iibigan naudlot.

TacendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon