Hindi Na Kita Mahal
Hindi na kita mahal,
Hindi na kita mahal,
Yan ang mga salitang namutawi sa bibig mong hangal,
At sa akala ko'y ikaw ay loyal,
Nagpapaniwala ako sa mga salita mong mapanlinlang at sa mukha mong makapalHindi ko na alam kung paano ako nagising sa katotohanang ayaw mo na sa akin,
Hindi ko antala ang sakit na iniwan mo pero alam mong ikaw at ikaw pa din,
Na kahit na ilang beses mo na sa aking ipamukha na hindi mo na ako mahal, mahal ikaw pa din ang aking pipiliin,
Sapagkat alam mong ako'y masaya sa iyong piling,
At ikaw pa din ang aking iibiginAkala ko noong una,
Ikaw na talaga,
Akala ko noong una,
Ikaw ang palagi kong makakasama,
Ngunit akala ko lang pala iyon at sa huli ako'y iiwan mo din pala,Naalala ko pa noon na ako'y parang isang prinsesa,
Nabubuhay sa sarap ng iyong pag-ibig at mga surpresa,
Ngunit hindi ko alam na ako'y pinapaasa mo lang pala,
At nagbulag-bulagan sa katotohanang ako'y ginagamit mo lang pala,
At kasinungalingan ang lahat ng nangyayari sa mundong iyong ginawaHindi ko lubos akalaing ang tulad mo pang gago ang mananakit sa akin,
Hindi ko lubos akalaing ako'y nagpapaniwala sa mga matatamis mong salita na alay sa akin,
Hindi ko lubos akalain ika'y bibitaw agad at hindi man lang ipaglaban ang pag-iibigan natinAt sa paglipas ng mga araw at gabi,
Sa wakas ika'y nakakalimutan ko ng unti unti,
At kahit ako'y nasasaktan pa din palagi,
Ipinapangako ko sa sarili ko na ika'y mawawala sa aking isip,
At makakapagmahal muli,
BINABASA MO ANG
Tacenda
PoetryThere are words that are left unsaid. This is a compilation of poems based from the author's experiences and other people's request.