Akala Ko
Sabi ko sa sarili ko,
Wag ka munang mag-assume dahil hindi lahat ng bagay ay may ibig sabihin na sinabi nya sayo,
Kaya't iniwasan kong kiligin,
Sa mga mensahe mo na gustong iparating sakin,Ngunit akala ko kaya kong pigilan ang kung ano mang nararamdaman ko,
Akala ko kaya kong iwasan ang bumagsak sayo,
Akala ko kaya ko,
Pero hindi pala at ngayo'y nasasaktan sa mga sinabi moSana'y hindi nalang ako nagpapaniwala,
Sa mga matatamis mong mga salita,
Na akala ko'y saya ang dala,
Pero sakit at paghihirap pala,Sana'y kaya kong ibalik,
Ang mga oras na iniiwasan kong masabik,
Sa tuwing gusto mong makipag-usap sakin,
Upang napigilan ko ang mga nararamdamang ito na dala dala ko pa dinNgunit hindi kita masisisi,
Dahil sa huli,
Ako ang umasa,
Kaya't ako ang sasaktan at nagdudusaHinayaan ko ang sarili ko,
Na magpatangay nalang sa agos ng mga kasinungalingan mo,
Kaya't hindi din tumitigil,
Ang pag-agos ng mga luha ko at paghapdi ng puso kong ikaw ang kumikitilGustuhin ko man,
Na ito'y matapos na at itigil na ang aking nararamdaman,
Ngunit alam kong ito'y magtatagal pa,
Hindi man bukas o sa makalawa pero alam ko sa sarili kong hindi magtatagal at ika'y makakalimutan ko na
BINABASA MO ANG
Tacenda
PoetryThere are words that are left unsaid. This is a compilation of poems based from the author's experiences and other people's request.