Imposible Na
Nakakatawa,
Sumuko na ako sa aming dalawa,
Pero bakit ako pa din ang nasasaktan ng sobra at hindi sya?
Umiiyak ako kahit pa anong sabihin ko sa sarili ko na hindi sya karapatdapat ng mga luha na lumalabas mula sa nakumumugto kong mata,
Masaya ako na ewan na para bang malapit na akong maging luka,
Dahil sa sakit na nararanasan ko ngayon aa dibdib kong sumisikip kapag may kausap syang iba,
Nasasaktan ako sapagkat umaasa pa din ako na baka sa buong linggong ito ay bumalik sya,
Ngunit alam kong imposible na,
Nakakatawa na para bang ako yung iniwanan nya,
Ngunit ako yung bumitaw sa pagmamahalan naminh dalawa,
At siguro nga na may mga pagkakataong hindi para sayo at may mga tao na aalis sa buhay mo at ng bawat isa,
Ngunit yung sakit na iniwan ay magtatagal hanggang sa wala na,
At mukhang imposible na,
Na maipagpatuloy ang pagmamahalan naming dalawa sapagka't ang isa't isa'y amin nasaktan na
At siguro hanggang dito nalang siguro magtatapos ang lahat ng kasiyahan at kilig na dala nya sapagka't sya ay aalis na mula sa piling ko at maglalakbay para mapapunta sa iba*~*~*
Ang sakit.
VOTE.COMMENT.SHARE
-Carmjae20
BINABASA MO ANG
Tacenda
PoetryThere are words that are left unsaid. This is a compilation of poems based from the author's experiences and other people's request.