ANG TAMIS AT PASAKIT NG PAG-IBIG(SPOKEN POETRY)

48 1 0
                                    

Ang Tamis at Pasakit ng Pag-ibig

Sabi nila, masaya ang umibig
Masarap sa pakiramdam ang iniiibig
Yung pakiramdam na ikaw ang pinakagwapo o pinakamaganda sa buong mundo na nakapagpapawala ng mga inihibisyon at insekuridad mo sa sarili mo
At yung pakiramdam na pinoprotektahan ka nya sa kahit na sino
Naranasan ko yun, yung pakiramdam na ikaw lang at wala nang iba
Sa kahit na anong pagsubok ay hindi sya bibitaw at lalaban para sa pag-iibigan naming dalawa
Gagawin nya ang lahat mapaligaya lang ako at masilayan ang mga ngiti ko
At hindi nya din ako iiwan sa bawat sakit at paghihinagpis ko dahil sa kalupitan ng mundo
At ng dahil sa pag-ibig mararanasan mo ang ituring na prinsesa,
Na paglilingkuran nya araw-araw at ipapadama kung gaano ka kahalaga sa kanya
Ibubuhos ang lahat ng oras at atensyon sayo
Na para bang isa kang marupok na bagay na parang kahit anong oras ay pwede kang mabasag at maglaho
At kapag sya'y ngumingiti nang dahil sayo ay para bang tumitigil ang pag-ikot ng mundo mo at tila ika'y natutunaw
Habang nakatitig sa mukha nyang kay sarap titigan at panoorin kahit pa buong araw
At habang yakap ka nya, ang mga kamay nya ay nakabalot sa iyong katawan na para bang ano mang oras ay maaari kang bumitaw o kaya may mangyayaring masama sayo upang ika'y protektahan mula sa kahit na anong bagay na maaaring makasakit sayo o sa malamig na hangin
Habang nakikinig sa matatamis na salita na binibitawan nya sa iyong tenga at sa nga pangakong kahit walang kasiguraduhan na tutuparin nya ay pinanghahawakan at pinaniniwalaan mo pa din
Ganyan daw ang pag-ibig, sana ganyan lang ang pag-ibig
Sapagkat ang sabi nila, hindi mo masasabing nagmahal ka kung hindi ka nasaktan ng iyong iniibig
Hindi mo masasabing nagmahal ka kung hindi mo ito mararanasan
Ang pagdurusa, ang umiyak at ang masaktan
Yung pakiramdam na ikaw lang ang pinakagwapo o pinakamagandang babae sa buong mundo
Ngunit, pakiramdam mo na may iba pa pala sya bukod sayo
At yung pakiramdam na pinoprotektahan ka
Sapagkat may taong nais saktan ka dahil may iba sya
Naranasan ko yung ikaw lang at wala ng iba
Ngunit kalaunan, may pumapangalawa na pala
At sa kahit na anong pagsubok ay hindi sya bibitaw at lalaban para sa pag-iibigan nyo
Pero bakit ganun? Habang hawak ko ang kanyang mga kamay at lumalaban para sa aming dalawa, ay unti-unti syang bumibitaw at sumusuko
At nang dahil sa pag-ibig mararanasan mo ang maging prinsesa
Prinsesa sa una ngunit pagkatapos ng lahat ay iiwan ka din pala tulad ng ginawa nya sa iba
Babasagin, yan ang tingin nya sa akin kaya't sya'y ingat na ingat at baka ako'y biglang mabasag at maglaho
Ngunit bakit ganun? Sa sobrang pag-iingat nya ay lalo akong nasaktan? Nabasag at nawasak ang pinaka-iingatan kong puso
At kapag sya'y ngumingiti sayo ay para bang tumitigil ang pag-ikot ng mundo
Na para bang sya ang mundo mo
Pero noong makita ko syang may kasamang iba
Parang tumigil ulit ang pag-ikot ng aking mundo at unti unting nawasak kasabay ng pagpatak ng aking mga luha mula sa malulungkot kong mata habang nakamasid sa kanila
Habang nakikinig sa matatamis na salita na binibitawan nya
Pilit ko pa ding pinakikinggan at pinanghahawakan kahit na wala akong kasiguraduhan kung tutupadin mo ba
At katulad ng kinakatakot ko na mangyari,
Ang mga pangako mong aking pinaniniwalaan at pinanghahawakan ay bigla nalang napako at hindi na nangyari
At habang yakap ka nya, ang mga kamay nya ay nakabalot sa iyong katawan na para bang pinoprotektahan ka sa sobrang higpit mula sa malamig na simoy ng hangin
At sa bawat paghakbang ko papalapit sayo habang nakamasid sa inyo ay para bang ako'y papalapit sa bangin
Na kung saan parang gusto ko nang wakasan,
Wakasan ang mga bagay na dapat nang kalimutan at ang lahat sa atin ay dapat nang tapusin upang hindi na tay magkasakitan
Gusto ko na talagang malimutan ang lahat sa atin ngunit hindi ito mangyayari kung hindi mo ako bibitawan
Kung patuloy mong pa ding ipaglalaban
Ang mga bagay na dapat na ay sinusukuan sapagkat sakit at paghihirap lamang ang dala sa ating dalawa
At sana maintindihan mo kung bakit ko ito ginagawa dahil ayoko nang umasa na ako ang iyong "nag-iisa" sapagkat ako ngayon ay pumapangalawa dyan sa puso mong paasa
Sana pagbigyan mo ako sa aking kahilingan
Na wakasan na ang pag-iibigan nating puro sakit at hirap lamang ang dala sa ating samahan
Upang hindi na tayo magkasakitan at maitigil na ang kahibangan na ito
Sapagkat kahit na ikaw ay mahal na mahal ko ay may hangganan din ito
Sabi nila, masaya ang umibig
Masarap sa pakiramdam ang iniibig
Ganyan ang pag-ibig sa ating mundo
Ngunit hindi ito mabubuo o mararamdaman kung wala kang sakit na mararanasan dyan sa umaasa mong puso

*~*~*

Mini Task in Filipino na ivivideo ko. HAHA. Jusq. Hope you like it.

Vote. Comment.

-Carmjae20

TacendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon