PAGMAMAHAL
"Pagmamahal"
Oo
Maaaring mahal mo ko
Pero ang tanong ko
Totoo ba ito?Na kahit ilang beses mo pang sabihin
Na mahal,
Mahal kita
Poprotektahan kita sa kahit anumang sakitPero bakit ganun?
Sa mga huling araw na tayo'y magkasama
Bakit hindi ko na madama?
Ang lahat ng ipinangako mo sakin?Isang taon din ang nakalipas,
Simula nung ika'y lumisan,
At iniwan akong luhaan,
Ngunit bakit tila ako'y nasasaktan pa din?Bakit hindi ko matanggap?
Na ang pagmamahal mo sakin,
Ay nawala ng isang iglap?
O kung minahal mo ba talaga ako ng totooPagmamahalan natin,
Totoo ba talaga ito?
Hindi ko lubos maisip
Na ako'y nahulog sayoSa iyo na walang ginawa kundi
Ang paiyakin at saktan ako
Ang pahirapan
Sa lahat ng bagay na ikaw dapat ang nakakaranasMahal, minahal mo ba talaga ako?
Kasi alam mo,
Na kahit anong sakit at pagdurusa ang ipinaranas mo sakin,
Aaminin kong mahala pa din kitaMahal pa din kita
Kahit ako'y iyong pinaluha
Mahal pa din kita
Kahit na ako'y nagdurusaMahal pa din kita
Kahit ang hirap na
Mahal pa din kita
Kahit ang sakit sakit na*~*~*
Juan Miguel Severo inspired poem. XD so, this is for my first love. For my first love who all did was hurt me. So yeah. Monthsary sana namin nung 28 eh. HAHAHA.
BINABASA MO ANG
Tacenda
PoetryThere are words that are left unsaid. This is a compilation of poems based from the author's experiences and other people's request.