PAG-IBIG (REVERSE POETRY)

82 2 0
                                    

Pag-ibig (Reverse Poetry)

Pag-ibig,
Ano nga ba ito?
Nakakapagtaka at nakakaramdam ako ng kabog sa aking dibdib,
Ngunit bakit maraming nasasaktan dito?

Ang maging masaya,
Nararamdaman ko yun,
Para kapiling sya at habang kapiling sya,
Kahit nakatingin sya sa iba ay ginawan ko ng paraan

Ang sumugal,
Sa ngalan ng pag-ibig yan ang ginagawa ko,
Kahit pa anong gawin ko at daldal,
Sa iba pa din ang tingin nya habang nasa piling ko

Pangit man tingnan, oo, mahal ko eh,
At kahit na anong sakit ang maramdaman ko ay titiisin ko,
Kahit na anong tingin nya sa ibang babae,
Hindi ako susuko

Masarap din ang mahalin at ang magmahal,
Kahit masakit magmahal lalo na kapag wagas,
Kahit na lumuluha ako sa sakit na dulot ng kanyang pagmamahal,
Hindi mo iisipin basta't kasama ko sya at parang ako'y alahas.

TacendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon