Minsan
Minsan naiisip ko,
Kung hindi ka nakipaghiwalay, masaya pa ba tayo?
Ninanamnam bawat sandali na ika'y nasa piling ko,
Pinoprotektahan ako kahit anong mangyari sayoMinsan naiisip kita,
Kamusta ka na kaya?
May minamahal ka na bang iba?
O nagdurusa pa din gaya kong nasasaktan pa?Minsan naaalala ko,
Ang mga panahong magkasama pa tayo,
Ginagawa ang lahat para mapasaya lang ako,
Kinakantahan ako kahit ika'y sintunadoPero sana ang minsan ay maging hindi mauulit pa,
Para tayo'y maging masaya na,
At hindi na kailangang iyakan pa,
Ang mga alaalang dapat kalimutan na
BINABASA MO ANG
Tacenda
PoetryThere are words that are left unsaid. This is a compilation of poems based from the author's experiences and other people's request.