DISTANSYA NGA BA?

52 1 1
                                    

Distansya nga ba?

Mahal, aaminin ko masakit pa
Ngunit ano pa nga bang magagawa ko, mahal kita?
Tanging hangad ko'y mapasaya ka
Hindi ka susukuan kahit sa magpawalang hanggan pa

Mga alaala natin noon
Aking pinapahalagahan pa din hanggang ngayon
Nagkawalay man noon
Ika'y lagi kong iniisip hanggang ngayon

Ibibili kita kahit anong gusto mo
Huwag ka lang makikiusap sa akin ng ,"Pakiusap, layuan mo na ako."
Dahil mahal na mahal kita ng buong buo
At kahit ako'y pahirapan mo ng husto, hinding hindi susuko

Hindi mo man sabihin
Ako'y mahal mo pa din
Kaya't ngayo'y aking pagbibigyang diin
Ang pagmamahal ko sayo na aking sisiilin

Bakit sa tuwing ako'y lalapit ikaw ay nalayo?
Sa tingin mo ba'y distansya nga ba ang solusyon sa problema nating ito?
Ngunit mahal sana'y maintindihan mo
Gagawin ko ang lahat makuha lamang muli ang matamis mong oo.

*~*~*

Medyo di ko feel yung tula na to. XD medyo inspired lang but kung nagandahan ka, you're free to vote. :) and ifyou have any suggestion or request, you're free to PM me or comment. ;)

TacendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon