MAHAL KITA NGUNIT PAALAM NA

67 2 0
                                    

Mahal Kita Ngunit Paalam Na

Mahal kita ngunit paalam na,
Gusto kitang pasalamatan sa lahat ng sayang idinulot mo sakin,
Na sa wakas ay naramdaman ko din ang buhay na nasa alapaap,
At naranasan kong mahalin ako na parang wala nang bukas,

Ngunit oo,
Alam ko lahat yun ay pansamantala lang,
Dahil ang kapalit noon ay sakit,
Sakit na hindi ko inaakalang mararanasan ko din pagkatapos ng lahat,

Aaminin ko,
Mahal pa din kita kahit ang sakit sakit na,
Mahal pa din kita kahit iniwan mo na ako,
Mahal pa din kita kasi hindi kita makalimutan

Sabihin mo na,
Martyr ako oo,
Tanga ako oo,
Pero hindi mo ako masisisi dahil mahal kita

Mahal pa din kita,
Mahal, mahal pa din kita
Kahit na ang tagal na, mahal pa din kita,
Kahit na ang sakit pa din, mahal pa din kita

Pero lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan,
Tao lang ako,
Napapagod din ako,
Nasasaktan din ako,

Kaya ngayon,
Kaharap mo ako,
At nagsasabi sayo,
Mahal, mahal kita ngunit paalam na

TacendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon