Hindi Mo Kasi Maintindihan
Hindi mo kasi maintindihan,
Kasi hindi mo pa nararanasan,
Ang mga sakit sa bawat araw na dumadaan,
Hindi mo pa nararamdaman,
Ang lumuha ng sobrang tagal at ni hindi mo magawan ng paraan,
Ang pagkawala ng sakit na iyong nararanasanHindi mo kasi naiintindihan ang lahat,
Dahil nagagawa mo na ang mga hindi dapat,
At siguro nga'y nasayo na ang lahat,
Kahit na hindi ka karapat dapat,
Sa ugali mong halos hindi magustuhan ng lahat,
Ay wala akong magagawa kaya't heto ako at nagtatapatHindi mo kasi maintindihan ang aking nararamdamang,
Sakit habang nag-aabang,
Para sa kanya na sana'y mapansin din ako kahit mag-usap kami ng madalang,
At parang palaging may harang,
Sa pagitan namin at parang palagi na lamang ako pansamantalang,
Pansamantalang panyo sa tuwing sya'y nasasaktan mo kaya't wala kang dapat ipag-alala dahil iyon lamangHindi mo maintindihan ang sakit na aking nararamdaman sa tuwing kayo'y magkasama,
At napapatawa mo sya,
Sa mga biro at patawa mo sa kanya,
Kahit masakit ay kinakaya,
Lahat ng aking nakikita
Dahil ito lamang ang gusto kong iparating sa kanyaHindi mo kasi naiintindihan na ikaw ang puno't dulo,
Hindi ako masasaktan kung hindi ka umeksena sa aming samahan na kasiyahan lamang na puro,
Ang dala sa isa't isa at kahit ilan pang pulo,
Ang maging dahilan upang kami ay magkalayo,
Ay hindi ito hadlang sa aming relasyon na malabo,
Ngunit nung dumating ka'y bigla na lamang akong nawalan ng pag-asa at sumuko na lamang sa duloKaya't ang tangi ko lamang hiling sayo ay and pasiyahin sya,
At huwag huwag mo syang sasaktan at iiwanan tulad ng ginawa mo na sa iba,
Alam kong hindi tayo magkasundo at ni hindi tayo magkaibigan para ito'y sabihin ko sayo na sana,
Sana ay palagi mo syang aalagaan tulad ng ginagawa kong pag-aalaga sa kanya,
At kahit masakit ay sana'y hanggang dulo na kayo at malagpasan ninyo ang bawat harang at balakid sa samahan ninyo bilang magnobyo at nobya,
At sana'y magpakasaya kayong dalawa
BINABASA MO ANG
Tacenda
PoesieThere are words that are left unsaid. This is a compilation of poems based from the author's experiences and other people's request.