MAHAL PA DIN KITA

67 3 0
                                    

Mahal Pa Din Kita

Sa bawat pagpatak ng aking mga luha,
Dala bawat sakit na iyong ipinadama,
Sakit na katulad ng pusong hinihiwa,
Pero aaminin ko, mahal pa din kita

Gustuhin ko man na ika'y makita,
Ngunit aaminin ko, hindi ko pa din kaya,
O aking puso, bakit kaya?
Dahil sasabihin ko, mahal pa din kita

Gusto ko man ipadama
Na sa walang hangganang sakit ika'y pinapatawad na,
Ngunit mahal, masakit pa
Gayunpaman, mahal pa din kita

Ngayo'y nagsasabi na
Salamat sa masasakit na alaala
Na ating pinagsamahan noon pa
Kaya't ngayon ay inuulit ko sayo kahit masakit pa na mahal pa din kita

Naalala ko dati na ako'y iyong reyna,
Pero sa isang iglap ay bigla nalang nawala,
Nang dahil sakanya, ngayo'y tayo'y nasasaktan pa
Hindi man natin ito maibabalik, gusto kong malaman mo na mahal pa din kita

Gustuhin ko mang malimutan ang lahat sa ating dalawa,
O tadhana, bakit hindi ko pa makaya?
Na sa lahat na aking nararanasan pa
Mahal pa din kita

*~*~*

This is my Mini Task in Filipino. Haha. I just wanna share it with you guys. I hope you like it. ;)

TacendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon