Ang Kalikasan
Ito ang isa sa mga bagay na bumubuhay sa atin,
Dito tayo nakakakuha ng ating makakain,
Dito din tayo kumukuha ng sariwang hangin,
Kung ito'y mawawala, papaano natin sasagipin ang mga sarili natin?Sa bawat araw na lumilipas may mga bagong bagay na nagpapaunlad sa ating mga buhay,
Ngunit ng dahil sa mga ganitong bagay,
Ay unti unti nating nakakalimutan ang kalikasan na nagbibigay buhay,
Unti unting nawawasak at nasisira ang mga ilog na tumigil na sa pagdaloyKung tayo ay magpapabaya, papaano na ang susunod na henerasyon?
Papaano sila mabubuhay kung hindi tayo gagawa ng aksyon?
Madaming tao na din ang nagising sa kanilang pagkakatulog at ito'y simula na upang mabago ang ating mga gawain sa ating henerasyon,
At magkapit-bisig para sa maayos kinabukasan na hinihintay ng bawat henerasyonKung tayo man ay nahirapan at nagdusa sa tuwing may bagyong paparating sa ating bansa,
Huwag na huwag natin sisihin ang Diyos na naglikha,
Sapagkat tayo lang din ang naglikha sa mga basura,
At ngayo'y bumabalik na nga upang tayo ay parusahan at matuto sa mga kamaliang ating ginawaSana'y ng dahil sa tulang ito,
Ay mabuhay at magising ang ating katawang tao,
At simulan na ang mga aksyon,
Upang masagip and mundo
BINABASA MO ANG
Tacenda
PoetryThere are words that are left unsaid. This is a compilation of poems based from the author's experiences and other people's request.