PAGKAKAIBIGAN

110 4 0
                                    

Pagkakaibigan

Pagkakaibigang nasira
Maibabalik pa kaya?
Di na masabi
Kung ano nang nangyayari

Unti unting pagyabang
Habang ako'y naiiwang
Luhaan sa baba
Di kinakaya ang katotohanang kayo'y nagbago na

Sa dami ng pinagdaan
Bakit ngayon pa nag-iwanan?
At nagkalimutan
Sa lahat ng kasiyahan na dulot natin

Bakit ngayo'y ako'y nasasaktan
Sa silakbo ng damdamin
Di na malaman
Kung ano nang gagawin

Ipagtanggol man kayo't itago
Ang katotohana'y di na mababago
Na ang pagkakaibigan nati'y masisira
At kakalimutan nalang dahil nasilaw sa sinag ng kasikatang tinatamasa

TacendaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon