2: Eydis

1.2K 31 21
                                    

2: Eydis

"Hoy! Eydis! Ang bagal mo! Iiwan ka talaga namin!"

Nataranta naman sya sa sinigaw ng kaibigan nyang yun. Ang inipin talaga nila! Mabilis nyang hinablot ang bag nya at nagmamadaling lumabas ng kwarto nya. Mabilis din syang nakababa sa hagdan at nagtatakbo papunta sa kung nasaan naghihintay ang dalawa nyang kaibigan. Pero nilampasan nya ang dalawa at dumiretso sa isang sulok ng bahay nila kung saan parang may maliit na altar.

"Good Morning, Ate!" Malaki ang ngiting bati nya sa nakangiting mukha nito. "Aalis na kami, Ate. Babantayan mo ko palagi ha? I Love You!" Tumingkayad sya at hinalikan ang nakangiting larawan ng Ate nya. Yun na ang nakaugalian nyang gawin for the past six years.

Pakiramdam kasi nya ay hindi kumpleto ang araw nya kapag hindi nya ginagawa iyon. At tsaka pag ginagawa nya yun ay pakiramdam nya ay nasa tabi nya lang Ate nya. Nagbabantay sa kanya.

"Oy, Dis! Lika na!" Kalabit sa kanya ng bestfriend nyang si Bea na may dalang isang slice ng loaf bread. Nakasunod naman dito ang isa pa nyang bestfriend na si Cody na may tangan namang dalawang slice ng loaf bread na pinalamanan nito ng isang hotdog sa gitna.

"Ba! Ang sisiba nyu ah? Wala bang pagkain sa bahay nyu?" Nang-aasar na tanong nya sa mga ito habang nagpapaalam sa Mommy nya na binigyan sya ng baon nyang sandwich.

"Alam mo namang maaga pa akong nagising dahil ang aga-agang dumating ng kolokoy na yan, kaya hindi na ako nakapag-almusal." Sagot sa kanya ni Bea habang papalabas na sila ng bahay. Yun pala ang routine nila. Susunduin ni Cody si Bea sa bahay nito tapos ay susunduin naman siya ng dalawa. Tapos mula sa bahay nila ay lalakarin lang nila papuntang eskwelahan. Malapit lang naman kasi.

"Oy, nobolotoon no bo yong boloto?" Natatawang napapa-iling sya kay Cody. Wala kasi syang naintindihan sa sinabi nito. 

"Lunukin mo kaya muna yang nasa bibig mo bago ka magsalita?" Mataray namang sabi sa kanya ni Bea. Cool talaga tong si Bea. Astig. Matapang. Habang sya naman ay ang tinuturing na bunso nilang tatlo. Fifteen palang kasi sya habang yung dalawa naman ay sixteen na. At si Cody naman, ito yung tagapagtanggol nila ni Bea. Habulin ito ng chicks pero hindi playboy. Kuntento na raw kasi ito na silang dalawa lang ni Bea ang babae sa buhay nito.

"Pasensya naman. Gutom kasi yung tao." Sabi ni Cody na pinupunasan pa ang bibig. "Yung sinabi ko pala, eh kung narinig nyo ba yung balita? Yung nangyaring aksidente kagabi?"

"Bakit? Ano bang nangyari?" Tanong nya.

"Meron daw kasing tumaob na bus kagabi. Marami yung sugatan at anim ang namatay. Kasama na run ang isang bata at isang babaeng kakagraduate lang ng college." 

The Death God's Wish: Miracle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon