16: Kaluluwa
Lungkot at galit.
Iyon ang nakikita nya sa mga mata ng babaeng duguan habang papalapit ng papalapit ang mukha nito sa kanya. At sa likod ng mga dugo at sugat na natamo nito ay kitang-kita nya naman ang magandang mukha nito. Nanghihinayang nga lang sya at ito ang sinapit ng kaluluwang ito.
Tulungan mo ako...
Papalapit ng papalapit ang mukha nito sa kanya at pahirap ng pahirap naman sa kanya ang paghinga. Parang may umuubos sa kanyang lakas at hindi siya makagalaw. Hindi siya makatakbo.
Napakasakit... Tulungan mo ako...
Umangat ang kamay nito sa mukha nya at ilang dangkal na lang ang layo ng mukha nito sa kanya. Mas lalong naging mahirap sa kanya ang pagsagap ng hangin sa paghinga. Sobrang naninikip na ang dibdib nya at naghuhumiyaw na ang mga baga nya ng hangin. Ilang segundo na lang at sa tingin nya ay mauubusan na siya ng lakas nang biglang may puwersang humatak sa kaluluwa palayo sa kanya. Bigla syang napasinghap at nagkumahog na punuin ng hangin ang mga baga nya. Napabalikwas siya at sunod-sunod na napaubo.
Malalalim pa rin ang paghinga na ginagawa nya at nakahawak sa dibdib na tumayo siya. Hinanap ng mga mata nya ang kaluluwa at natigilan siya nang makita kung nasaan ito. Nakatayo ito ilang metro sa harapan nya na may mga baging na nakatali sa mga paa, kaharap ang anghel na si Grus. Nakahawak ang mga kamay ni Grus sa magkabilang pisngi ng babaeng kaluluwa at pinagdikit nito ang kanilang mga noo. Biglang lumiwanag ang buong katawan ng kaluluwa. Nalusaw ang mga baging na nakatali sa mga paa nito at nawala ang mga sugat at dugo sa katawan ng kaluluwa, pagkatapos ay unti-unti itong naglaho hanggang sa ang naiwan nalang ay isang puting paruparo na lumipad palayo at naglaho rin nang dumapo sa isang nakalahad na palad.
"Ginoong Cygnus. Binibining Columba." Narinig nyang bati ni Grus sa dalawang bagong dating. Isang babaeng nakadilaw na bestida at isang lalaking naka-t shirt ng pula. Kung titignan ay parang mga ordinaryong teenagers lamang ang dalawa ngunit iba ang sinasabi ng mga puting pakpak na nasa likod ng mga ito.
"Ginoong Grus! Antagal mong hindi napadpad dito ah? Haha." Malapad ang ngiting sinalubong ng lalaking nakapula si Grus at masayang tinapik sa balikat. Pumunta naman sa kanya ang babae.
"Ayos ka lang ba Miss? Pagpasensyahan mo na kung nabiktima ka ng isang wayward soul na gumagala sa parte ng area naming ito." Nakangiting sabi nito sa kanya at hinawakan ang mga kamay nya.
Bakit parang kilala nya ako? At ni hindi man lang sya nagtaka na nakikita ko siya?
"Ako nga pala si Columba ang Death Goddess sa area na ito at yun naman ang kapareha kong Death God na si Cygnus. At oo, kilala kita, special case Eydis Castillo." Nakangiting sagot nito sa mga katanungan sa isip nya. Nakalimutan nyang lahat sila ay mind reader.
"Columba, siya na ba si Eydis Castillo? Ang special case ng itim na Death God na si Corvus?" Bigla namang lumitaw sa harapan nila ni Columba ang tinawag nitong si Cygnus. Malapad na nakangiti ito sa kanya. "Magandang hapon! Ako nga pala si Cygnus, Binibining Eydis. Ngayon lang ako nakatagpo ng isang special case."
BINABASA MO ANG
The Death God's Wish: Miracle (Completed)
FantasyCorvus is a Death God. A reaper who has no memories of his mortal life before becoming an entity who reaps souls. And he felt empty and lost without it. A being with little existence. But everything will change the moment his eyes meet Eydis' smili...