12: Usok
"Eydis!"
Tulalang nakatingin sya ngayon sa nakabalandrang sasakyan sa daan na nasa tapat nya. Nabiingi sya sa kabog ng dibdib nya at nanlalamig sya. Muntikan na. Muntikan na naman syang masagasaan.
"Tumayo ka, Eydis." Lumipad ang mga mata nya sa mukha ng nilalang na nagligtas ng buhay nya. Madilim ang anyo nito at hindi nya mabasa kung ano ang ibig sabihin ng emosyon na nasa mukha nito.
"Tumayo ka na Miss Eydis. Nandyan na ang mga kaibigan mo." Malumanay pero seryoso namang sabi ng anghel na kasama nito.
"Eydis! Okay ka lang?" Nag-aalala ang mukha ni Bea nang tinulungan sya nitong makatayo.
"Nasaktan ka ba? May sugat ka?" Inenspeksyon sya ni Cody. Hindi naman sya makapalag dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa utak nya ang nangyari. Muntik na talaga sya dun kanina. Kung hindi lang nakabantay sa kanya sina Corvus at Grus ay malamang na tinatabunan na sya ng mga dyaryo ngayon.
"Miss? Okay ka lang ba?" Napako ang tingin nya sa tila hilo na lalaki. Ito yung driver ng kotse na muntik nang makabunggo sa kanya. "Pasensya ka na ha? Hindi ko kasi alam kung anong nangyari eh. Bigla kasi akong nahilo. Papacheck-up kita sa ospital para makasiguro tayong okay ka." Nanlaki ang mga mata nya ng parang may itim na usok ang lumabas mula sa tuktok ng ulo nito habang nagsasalita.
"O-okay lang ako, kuya. Wag na kayong mag-alala." Sabi nya na hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa naglalaho na na itim na usok.
"Sigurado ka? Ba't parang tulala ka?" Tanong nito sa kanya.
Ikaw? Ba't parang tren ka na may lumalabas na usok sa ulo mo?
"Hindi yun simpleng usok lang Miss Eydis." Dinig nyang sabi ni Grus sa gilid nya.
"Ah, Okay lang ho ako. Salamat po, Kuya. Ingat na lang po kayo." Tumango naman ito at humingi uli ng paumanhin sa kanila.
Ano'ng hindi simpleng usok lang yun?
"Eydis, halika na. Punta tayong clinic para masiguro nating okay ka."
"Okay lang ako, Bea. Nashock lang ako."
"Sigurado ka? Pwede ka namang umuwi na lang eh. Sasabihan na lang namin sina Maam."
"Hindi Cody, okay lang ako." Sabi niya sa kaibigan pero kay Corvus sya nakatingin na nasa likod nito.
"Hindi iyon pangkaraniwang usok. Isa iyong patunay na ang mortal na iyon ay napasailalim sa isang kapangyarihan. Kinontrol sya ng hindi nya nalalaman."
Kinontrol sya para banggain ako?
Hindi makapaniwalang tanong nya sa dalawa na binigyan lang sya ng seryosong mga tingin. Akala ko ba binabantayan nyo ako para masiguradong hindi ako magiging wayward soul? Eh ba't parang merong gustong pumatay sa akin?
BINABASA MO ANG
The Death God's Wish: Miracle (Completed)
FantasyCorvus is a Death God. A reaper who has no memories of his mortal life before becoming an entity who reaps souls. And he felt empty and lost without it. A being with little existence. But everything will change the moment his eyes meet Eydis' smili...