13: Bucket List No. 3
"Ano'ng ginagawa mo?"
Napalingon sya sa tanong ni Corvus sa kanya. Nakasandal ito sa tabi ng bintana sa kwarto nya habang nakapamulsa. Pero hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa labas ng bintana nya. Ang sinag ng araw ay tumatama sa mukha nito. Ang gwapo.
"Nag-aayos. Lalabas kami nina Cody at Bea." Sabi niya at ibinalik na nya ang tingin sa salamin pero muntik na syang mapasigaw ng makitang nasa likod na nya agad ito. "Ano ba? Para kang multo ah? Papatayin mo ba ako sa gulat?"
"Ba't ka lalabas? Di ba't delikado ang buhay mo? Alin doon ang hindi mo naiintindihan?" Napabuntung-hininga sya na napatitig sa repleksyon nito sa salamin.
"Naiintindihan ko ang lahat. Pero ano'ng gusto mong gawin ko? Ang magmukmuk dito sa loob ng bahay at matakot? Kung talagang gusto akong mamatay ng mga Gods na yun ay gagwin nila yun. Kahit na dito lang ako sa bahay at nakaupo sa isang sulok. Kaya pwede ba Corvus? Kung mamamatay na ako ngayon, susulitin ko na lang ang nalalabing oras ko." Nagsukatan sila ng tingin sa salamin bago ito unang nagbawi at tumalikod sa kanya. Naglakad ito palapit sa may pintuan at lumingon uli sa kanya.
"Oh? Ano pang ginagawa mo dyan? Bilisan mo na." Nakakunot ang noong sita nito sa kanya. Nagtaka naman sya.
"Ha?"
"Sabi ko bilisan mo na dyan."
Pagkatapos nitong sabihin yun ay biglang lumitaw sa tabi nito si Grus. "At babantayan ka namin habang namamasyal kayo."
Tumaas ang kilay nya. "Wala ba kayong trabaho at parang araw-araw na ata kayong dalawa na sabay na nagbabantay sa akin?" Kahit na sabihing responsibilidad siya ni Corvus ay alam nyang may sariling trabaho rin naman si Grus bilang isang anghel. Wala ba itong ililigtas o ibang babantayan ngayon? Masyado naman atang kin-career nang dalawang to ang pagbabantay sa kanya? Kunsabagay, sa kanya nakasalalay ang pagbabalik ng mga alaala ni Corvus.
FLASHBACK
"Gusto kong malaman ang lahat. Buhay ko ang nakataya rito kaya sana wag nyong itago sa akin to."
Ilang sandaling tinitigan lang siya ng dalawa pagkatapos ay napabuntung-hininga si Grus at napakamot sa ulo nito. Si Corvus naman ay nanatili lang na nakatingin sa kanya.
"Ang mga Panginoon ko ay binigyan ako ng pagsubok. Kailangan kong bantayan ang buhay mo at siguraduhing mamamatay ka ayon sa itinakda ng abnormal mong orasan para mabawi ko ang mga alaalang nawala sa akin noong ako'y nabubuhay bilang isang mortal. dahil kung hindi ay sila mismo ang kukuha sa kaluluwa mo." Sagot ni Corvus sa kanya. Ilang sandaling napaisip sya bago sumagot.
"Ibig sabihin? Gagawin niyong laruan ang buhay ko? Ganun?" Nanlalaki ang mga matang tanong nya sa rito. "Hindi porke't mamamatay na talaga ako ay gagawin nyo na lang lokohan tong buhay ko. Sino ba kayo sa inaakala nyo ha? Diyos nga kayo pero wala kayong karapatang paglaruan ang buhay ko."
BINABASA MO ANG
The Death God's Wish: Miracle (Completed)
FantasyCorvus is a Death God. A reaper who has no memories of his mortal life before becoming an entity who reaps souls. And he felt empty and lost without it. A being with little existence. But everything will change the moment his eyes meet Eydis' smili...