14: Mga Alaala
"Sige na! Sabihin mo na kasi."
Naiinis na napaangat ang mukha nya mula sa sketchpad nya papunta kay Bea na kanina pa nangungulit sa kanya. Pinipilit siya nitong ikwento kung ano daw ang nangyari kahapon habang nakasakay sya sa Ferris Wheel kasama si Corvus. Ilang ulit na nyang sinabi na nanood lang sila ng sunset at wala nang ibang nangyari pero ayaw nitong maniwala. Ayaw rin nitong maniwala sa sinabi niyang hindi niya alam ang pangalan ni Corvus.
"Wala na ngang nangyari Bea. Ni hindi nga kami nag-usap eh." Syempre hindi totoo yun. Pinagalitan sya ni Corvus kasi ang careless daw nya. Buti na lang dumating si Grus at nakikulit sa kanila.
"Ay? Anu ba yan? Ang gwapo kaya nun? Para ngang familiar yung mukha nya eh. Di ba Cody?" Bumaling ito kay Cody na nakahilata sa rug sa sala ng bahay nila habang nagbabasa ng manga nito. Silang dalawa naman ni Bea ay nakaupo sa sofa sa ibabaw nito. "Oy, Cody!"
"Ano?" Nagbabasa pa rin na sabi ni Cody.
"Di ba familiar yung mukha nong lalaki kahapon sa may theme park? Yung nagligtas kay Eydis at sumama sa kanya sa Ferris wheel?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa nung mapaangat ang tingin ni Cody kay Bea at nagtagal ang pagtitinginan ng mga ito. Direktang nasa ilalim kasi ng pwesto ni Bea si Cody at nung magsalita si Bea ay niyuko nito si Cody at sya namang pag-angat ng tingin ni Cody mula sa manga na binabasa nito. Parang may sariling mundo ang dalawa habang nagtitinginan.
"Mukhang successful ang Bucket List no. 2 mo Miss Eydis ah?" sabi ni Grus na nakasandal sa likod ng sofa na inuupuan nila ni Bea. Napangiti naman siya ng magblush si Bea at ngumisi si Cody. Parang nahihiyang napatingin sa kanya si Bea at umubo-ubo naman si Cody. Natawa na lang sya. Natutuwa sya at mukhang nagkakamabutihan na nga yung dalawa.
"Teka? Ano na nga yung tanong mo?" Kakamot-kamot sa ulo na tanong ni Cody.
"Ahh... Nakalimutan ko na eh. Hehe." Nakablush pa rin at naka-iwas ang tingin na sabi dito ni Bea. Natawa uli sya at napailing. Parang out-of-place na sya dito.
Nasaan na nga pala si Corvus?
"May sinundo lang. Ipinagkatiwala ka muna sa akin kasi dito ka lang naman sa bahay. Hindi naman kayo aalis, di ba?" Narinig nyang tanong ni Grus sa likod nya habang nagpapatuloy na siya sa pagsketch nya.
Hindi naman. Tambay lang kami dito sa bahay. Pagkausap nya rito sa isip nya.
"Mabuti naman. Ang kailangan ko na lang ngayon bantayan ay kung may mga nakamamatay bang mga gamit dito sa bahay nyo o pwedeng mahulog at makapatay sayo." Napachuckle sya sa mga pinagsasabi nito. Mukhang brutal ang mga pinag-iisip nitong magiging sanhi ng pagkamatay nya ah.
Ilang minutong engrossed na siya sa ginuguhit nya ng mapapitlag sya. May naramdaman syang parang gumagapang sa paa nya. Nanigas sya ng maramdamang gumagapang ito pataas sa binti niya. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya at ang lalim na ng paghinga nya dahil sa takot. Takot siya sa mga gagamba!
Tiningnan nya si Bea, natutulog ito. Si Cody naman ay nagbabasa na uli ng manga. Hindi nya maigalaw kahit na ang mga bibig nya para makahingi ng tulong sa dalawa.
BINABASA MO ANG
The Death God's Wish: Miracle (Completed)
FantasyCorvus is a Death God. A reaper who has no memories of his mortal life before becoming an entity who reaps souls. And he felt empty and lost without it. A being with little existence. But everything will change the moment his eyes meet Eydis' smili...