19: Simula ng Katapusan

597 25 3
                                    

19: Simula ng Katapusan

"Eydis? Anak, gumising ka na." 

Napabalikwas sya ng bangon ng marinig ang boses ng mama nya. Nagpalinga-linga sya sa kanyang kwarto at napahinga sya ng maluwag nang hindi niya makita sa loob si Corvus. Hindi niya kasi hinayaang matulog ito sa labas kagabi pagkatapos nilang manood ng meteor shower. Dito nya ito pinatulog sa sahig, kaya kinabahan sya nang marinig ang boses ng mama nya. Buti na lang pala wala na ito dito. Pati ang pinagtulugan nito ay nasa kama na nya.

"Oh? Anak? Bakit?" Napatingin siya sa mama nya at napangiti. Tumayo siya niyakap nya ito mula sa likod. "Uy, ang anak ko naglalambing. May hihilingin ka sa akin no?" Natawa sya sa mukha nang mama nya. Nakataas kasi ang kilay nito pero nakangiti.

"Wala Ma, ah! Gusto ko lang kayong i-hug. Di ba pwede yun?" Paglalambing nya sa kanyang mama na natatawa na rin. Pumihit ito paharap sa kanya at niyakap siya pabalik.

"Syempre, pwedeng-pwede yun. Miss ko na kaya ang yakap ng bunso ko? Love na love ka ni Mama, anak." Nangilid ang luha nya sa sinabi ng kanyang mama kaya isinubsob nya ang mukha sa leeg nito. Sumisikip ang dibdib nyang marinig ang mga katagang yun na matagal na nyang gustong marinig.

"I love you too, Mama." At least kung mamatay man siya ngayon ay nasabi niya iyon sa mama niya. Masaya na sya.

"Wag mo akong iiwan anak ha?" Mas lalong nanikip ang dibdib nya at hindi na niya napigilan ang luha niya. Hinigpitan na lang nya ang yakap sa Mama nya at sa isipan nya na lang siya sumagot.

I'm sorry Ma.

***

"Icelebrate natin birthday mo! Sige na!" Kanina pa siya kinukulit nina Bea at Cody tungkol sa birthday nya pero hindi nya sila pinapansin. Umiiling lang sya sa tuwing may mga suggestions ang dalawa.

"Eydis naman eh! Sweet sixteen mo kaya yun? Tsaka sa Biyernes na yun oh! Miyerkules na ngayon. Kung magsi-celebrate tayo kailangan na naming umpisahan ang preparations ngayon." Tiningnan nya sina Bea at Cody, pati na rin ang mga kaklase nyang nakatingin sa kanila. Nasa classroom kasi sila ngayon at wala pang guro.

"Sige na Miss Eydis. Baka huling kaarawan mo na yan. Di ba sabi mo lulubus-lubusin mo na ang mga natitirang araw ng buhay mo?" Napabuntung-hininga siya sa sinabi ni Grus. Tama nga naman ito. Baka nga huling birthday na nya iyon. 

"Sige magsi-celebrate tayo. I-surprise nyo ako ha? At siguraduhin nyong masaya yun! Kung hindi makakatikim talaga kayo sa akin." Naghiyawan ang mga kaklase nya sa pahayag nya at napangiti na rin siya. Tinignan niya isa-isa ang mga kaibigan at mga kaklase nya. Tama nga lang na magcelebrate kami. Despedida party na rin yun para sa akin.

"Yes! Tara, pagplanuhan natin ang party ni Eydis!" Sigaw ni Bea at sinundan naman ng mga hiyawan ng iba pa nilang mga kaklase.

Sige lang. Huling birthday ko na rin naman yan. Pasiyahin nyo ako.

The Death God's Wish: Miracle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon