17: Panaginip
"Mangako ka."
"Pangako ko yan sayo. Dahil mahal na mahal kita."
Nagising siyang basa ang kanyang mukha dahil sa luhang naglalandas mula sa kanyang mga mata. Napa-upo siya sa kanyang kama at isinubsob ang kanyang mukha sa mga palad. Hindi niya inaasahang mapapanaginipan nya ang eksenang yun. Bakit? Bakit nagbabalik ang alaalang yun?
"Ate," Pagtawag nya sa taong gusto nya uling makayakap sa tuwing natatakot at nalulungkot sya. Gusto nyang maramdaman uli ang paghaplos nito sa buhok nya habang pinapatahan sya nito, ang malamyos na tinig nito na nagsasabing magiging okay rin ang lahat. Gusto nyang umiyak uli na yakap-yakap ng Ate nya. "Miss na kita Ate."
Pinaghirapan nyang makalimutan ang lahat nang nangyari noon para lang maipagpatuloy nya ang kanyang buhay. Ibinaon nya lahat ng alaala para lang maging normal uli ang buhay nya, pero bakit ngayon ay bumabalik sila? Ngayon pang gusto nyang maging masaya ang mga natitirang araw nya? Bakit?
"Ate Eydis? Wag ka na pong umiyak." Naramdaman nya ang maliliit na mga braso na umakap sa kanya kasabay ng paghaplos nito ng buhok nya. "Namimiss ka na rin po ng Ate nyo. Sigurado akong umiiyak din yun ngayon dahil umiiyak kayo."
Iniangat nya ang mukha nya at nakita nya ang umiiyak na ring si Moon. Parang buang na napangiti siya at pinahid ang mga luha nito at ganoon din ang ginawa nito sa mga luha nya. Si Moon ang nakatokang magbantay sa kanya ng gabing iyon. Parehong wala sina Grus at Corvus.
Umayos na sya ng upo ng tumahan siya. Si Moon naman ay nagpupunas pa rin ng pisngi. Nakaupo ito sa gilid ng kama niya. Bigla ay parang nakita nya ang sarili nya noon kay Moon. Parati syang nagpupunta noon sa kwarto ng Ate nya para umiyak at tumatabi siya sa Ate nya para lang tumahan sya. Nawawala lahat ng takot nya kapag yakap-yakap na siya ng kanyang Ate.
"Moon, tabihan mo ako." Ngiting sabi niya kay Moon na halatang nagulat.
"Sigurado ka po?" Nanlalaki ang mga matang tanong ng anghel sa kanya na sinagot nya naman ng tango at ngiti. "Sige po!"
Niyakap nya ang maliit na katawan ni Moon at ipinikit ang kanyang mga mata. Iwinaksi nya ang mga imaheng nagsasalimbayan sa kanyang balintataw at hinayaang sakupin siya ng dilim at tuluyan nang makatulog.
Third Person's POV
"Nalilito na sila." Nakangising komento ni Hypnos habang nakalutang sila ni Thanatos sa labas ng bintana ni Eydis. Pareho nilang tinatanaw ang mortal na yakap-yakap ang isang batang anghel na nagsasanay para maging isang alagad nila.
"At natutuwa ka pa." Pahayag naman ni Thanatos na inilalahad ang kanang kamay at unti-unting may lumabas na puting paruparo mula sa palad nito. Lumipad ang paruparo papunta sa nakasaradong bintana at lumusot papunta sa loob. Nagpaikot-ikot iyon sa ibabaw ng nahihimbing mortal habang parang usok na unti-unting naglaho.
"Malapit nang matapos ang laro." Pahayag ni Thanatos habang matamang nakatingin sa mortal.
BINABASA MO ANG
The Death God's Wish: Miracle (Completed)
FantasiCorvus is a Death God. A reaper who has no memories of his mortal life before becoming an entity who reaps souls. And he felt empty and lost without it. A being with little existence. But everything will change the moment his eyes meet Eydis' smili...