20: Ang Kahilingan
What would you give for just one miracle?
Third person's POV
6 years ago...
"Atropos! Nandyan na ba ang mga sinulid na gugupitin mo?" Pasigaw na tanong ni Lachesis na uugod-ugod sa paglalakad habang pinupunasan ang mga mala-monggong pawis sa noo gamit ang isang maruming basahan at sinusuportahan ang bigat sa pamamagitan ng isang tungkod at may hawak na malaking panukat.
"Ano ba? Ba't ba ang ingay mo, Lachesis?" Umalingawngaw naman sa mausok na lugar na tinatawag nilang tahanan ang antigong boses ng bunsong si Clotho. Hawak-hawak nito sa isang kamay ang isang suliran habang sa kabila naman ay mga sinulid. "Hindi mo ba nakikitang may ginagawa ako rito?"
"Pwede ba? Tumahimik nga kayong dalawa?" Yamot naman na sigaw ni Atropos sa dalawang maiingay na kapatid. Hawak-hawak nito ang limang sinulid ng buhay ng mga mortal na nakatakda nyang putulin anumang oras mula ngayon. Inisa-isa nyang tignan ang mga iyon at binalikan sa isipan kung tamang mga sinulid na nga ba ang nakuha nya. Napaka-ingay kasi ng mga kapatid nya. Nalilito na tuloy siya kung ito na nga ang mga sinulid na nakatakdang putulin nya.
"Hoy! Atropos! Gawin mo na nga yang trabaho mo dyan! Ikaw rin ang isang maingay eh." Biglang sigaw naman ni Lakhesis na ikinainis ni Atropos.
"Pwede ba? Kung hindi kayo nag-iingay dyan, di dapat kanina ko pa naputol ang mga sinulid na to! Clotho! Ito na ba talagang limang sinulid na to ang puputulin ko?" Nakataas ang kulubot na mga kamay na baling nito sa nakakabatang kapatid. Sandali lang naman syang tinapunan ng matalim na tingin ni Clotho pagkatapos ay bumalik uli sa pag-iikot ng mga sinulid.
"Tumatanda ka na talaga Atropos. Hindi ka na bata para sabihan ng mga dapat mong gawin. Alam mo kung ano ang trabaho mo. Bilisan mo at may mga iba ka pang puputulin. Maraming sinulid ang dapat putulin bawat segundo."
Napahinga ng malalim si Atropos sa sinabi ni Clotho, pagkatapos ay tiningnan ang limang sinulid na nasa kamay. "Kunsabagay, hindi pa ako nagkakamali kahit kailan. Ang mga nagiging wayward souls naman ay talagang nakatakda na bago pa man sukatin ang sinulid ng kanilang buhay. Ngayon pa ba ako magkakamali?" Pagkausap nito sa sarili bago nakataas ang kilay na tiningnan ang mga sinulid, itinaas iyon pati na ang malaking gunting na nasa kabilang kamay at diretsong ginupit ang limang sinulid.
"Ayan na! Tapos na. Wala nang magrereklamo dyan." Pasigaw na sabi nito habang tinitingnan ang unti-unting paglaho ng mga kakagupit na sinulid.
"Teka, Atropos! Ano'ng ginawa mo?" Biglang sigaw ni Clotho na nakapagpalingon sa dalawang kapatid. Bigla itong nangamba ng makita ang isa sa mga ginupit na sinulid ni Atropos na ngayon ay mabilis na naglalaho sa hangin. "Ang isang yun!" Tinuro nya ang sinulid na iba ang kulay sa dapat na kulay nang sinulid ng buhay na naubusan na ng oras. Kulay abo ang dapat na kulay ng mga nauubusan na ng oras na mga sinulid ngunit ang isang yun ay nanatili pa ring puti. Ang kulay ng buhay na sinulid. "Hindi iyon dapat kasali sa mga pinutol mo."
BINABASA MO ANG
The Death God's Wish: Miracle (Completed)
FantasyCorvus is a Death God. A reaper who has no memories of his mortal life before becoming an entity who reaps souls. And he felt empty and lost without it. A being with little existence. But everything will change the moment his eyes meet Eydis' smili...