3: Orasan

990 32 23
                                    

3: Orasan

"Saan ka nagpunta?"

Ngiti lang ang sinagot nya sa tanong ni Cody, pagkatapos ay tumabi na nang upo kay Bea.

"Ano'ng nangyari sayo? Ba't ngingiti-ngiti ka dyan? Para kang baliw?" Napagiggle sya ng may maalala na naman sya. Humarap sya kay Bea na nakangisi.

"Bey... Hihihi.."

"Oy, Eydis, ano bang nangyayari sa'yo? Nakakatakot na yang ngiti mo ha?" Parang natatakot nga na sabi sa kanya ni Bea sabay layo pa ng kaunti. Mahina nya naman itong tinampal sa braso.

"OA Bey, ha? May ikukwento lang naman ako sa'yo eh. Tsaka hindi pa ako nababaliw no?" Pout nya sa kaibigan nya. Nakita nyang nakatingin din sa kanya si Cody na parang nagtataka. "Well, anyway, kaya ako natagalan kasi may nakita akong lalaki."

Natigil sya sa pagsasalita ng tumaas ang isang kilay ni Bea habang nagsalubong naman ang sa kay Cody.

"What?" Tanong nya sa mga ito. Kung makatingin kasi ang mga ito sa kanya ay parang nilabag nya ang golden rule. "Well, as I was saying, may nakita akong lalaki, at kaya ako natatawa kasi, talagang umakyat pa sya ng puno na nasa harap ng school natin para lang makita kung bakit may ambulance dito. Imaginin nyo yun? Umakyat pa talaga sya ng puno? Hahaha! Nakakatawa talaga!" Tawang-tawa talaga sya kanina ng makita yung lalaking nakatayo sa isang sanga ng puno sa harap ng school nila. Parang ang labas kasi eh, ang tsismoso ng lalaking yun.

"Oh? Oh? Makatawa ka dyan, wagas ah!" Nangingiti namang sabi sa kanya ni Bea habang si Cody naman ay naglalaro na uli ng PSP at pinabayaan na silang dalawa. "Baka naman adik yun? O kaya baliw?"

Napaisip naman sya at binalikan sa isip ang itsura nung lalaking nakita nya. Naka-itim ito. Pero hindi yung parang pangkulto, kundi yung parang rockista yung dating. Tsaka sa tingin nya matangkad yung lalaki, at medyo gwapo. Hindi nya kasi masyadong nakita yung mukha kasi medyo malayo yung puno. At sigurado syang hindi baliw o adik yun.

"Hindi eh. Ang gwapo naman nun para maging baliw o adik." Sabi nya na nakapangalumbaba at naka-pout. Bigla naman syang napa-aray at napahimas sa ulo nya nang tuktukan sya ni Bea. "Bey ha, nagiging sadista ka na.."

"Para ka kasing baliw. Ang gloomy ng atmosphere tapos iba-iba pa yung nakikita mo." Saka nya uli naalala ang mga nangyari ng araw na yun. Ayun, bigla uli syang nalungkot. Parang ang pangit kasi na natatawa sya tapos yung mga nasa paligid nya ay umiiyak dahil sa mga nangyayaring kamatayan. 

"Oh? Ba't parang semana santa ang mukha nyan?" Narinig nyang tanong ni Cody kay Bea habang nakapangalumbaba sya.

The Death God's Wish: Miracle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon