5: Halik
"Ginoong Corvus."
Nanatili lang syang nakapikit habang nakasandal sa pintuan sa loob ng kwarto ni Eydis Castillo. Nakikisama naman ito sa pagbabantay nya rito. Minsan nga lang ay may pagkamakulit talaga ito at kung anu-ano ang tinatanong sa kanya. Minsan nakakalimutan din nitong kausapin sya gamit ang isip lamang nito, kaya akala tuloy ng mga kaibigan nito ay nagdodroga ito.
Wala pa namang nagyayaring masama sa mortal na yun pero kailangan nya pa ring bantayan ito. Hindi ito pwedeng mamatay ng lingid sa kanyang kaalaman.
"Ginoong Corvus." Tawag na naman sa kanya ni Grus.
Nandito ito ngayon para pumalit muna sa pagbabantay niya kay Eydis Castillo. Anghel dela gwardya naman ito at ito na rin mismo ang nagprisinta sa sarili nito. Kailangan nya kasing magtrabaho. May mga susunduin sya ngayon.
Dumilat sya at umalis sa pagkakasandal sa pinto.
"Aalis ka na?" Tanong ng anghel dela gwardya habang nakaupo sa may sahig at nakapangalumbaba.
"Bantayan mo ang panaginip nya." Sabi nya rito bago sya naglaho mula sa madilim na silid na iyon. Pumalit doon ang puting-puting kapaligiran. Nasa isang ospital sya.
Tiningnan nya ang babaeng nakaratay sa higaan na animo'y wala nang buhay. Nakapalibot ang mga umiiyak na kamag-anak nito rito. Ilang minuto nya munang pinagmasdan ang mga ito, bago sya lumapit sa higaan ng maputlang babae. Hirap na rin itong huminga. KItang-kita sa katawan nito na malapit na itong mamaalam sa mundo.
Minuto na lang.
Segundo.
Oras na.
Yumuko sya at nilapit ang kanyang mukha sa mukha ng babae. Nakapikit ito at naghihingalo na. Sinusundo na kita. At inilapat nya ang kanyang malamig na labi sa maputlang labi nito.At ginawaran ng halik.
Halik ng Kamatayan.
Gabay patungong kabilang buhay.
Mula sa mga tagasundo ng mga nangamatay.
BINABASA MO ANG
The Death God's Wish: Miracle (Completed)
FantasyCorvus is a Death God. A reaper who has no memories of his mortal life before becoming an entity who reaps souls. And he felt empty and lost without it. A being with little existence. But everything will change the moment his eyes meet Eydis' smili...