9: Itim at Puti
"Ayos ka lang?"
Naningkit ang mga mata nya sa pinapanood na eksena sa baba. Nakayakap ang mortal na si Cody Roxas sa special case nyang si Eydis Castillo, habang nag-aalala naman ang mukha ng isa pang kaibigan ng mga ito na si Beatrice Joaquin. Ito ang nagtanong kanina.
"Muntik na yun ah. Buti mabilis tayo." Bulong ni Grus sa tabi nya. Tama ito. Muntik nang mapahamak si Eydis Castillo kanina.
Naglalakad ang mga ito papuntang eskwelahan. Nagtatawanan at nagkukulitan. At hindi nya alam kung bakit pero napagpasyahang maglakad ni Eydis Castillo sa labas ng sidewalk. Sinusundan ng paa nito ang dilaw na linya sa may kalsada at kumakanta-kanta sa isip nito nang mapansin nila ni Grus ang humaharurot na paparating na sasakyan. Hindi iyon napansin ng tatlong mortal. Dahil sa hanggang ngayon ay hindi pa naman umaandar ang orasan ni Eydis Castillo ay kaagad na umaksyon si Grus. Inudyukan nito sa isip si Cody Roxas na tumingin sa harap para makita nito ang paparating na sasakyan. Kinontrol nya naman ang paggalaw nito at kaagad na hinatak pabalik sa sidewalk ang kanyang special case.
Tulala ang tatlo nang pagkatapak na pagkatapak ni Eydis Castillo pabalik sa sidewalk ay siya namang paghagibis ng sasakyan. Kung nahuli pa sana ng ilang segundo si Cody Roxas ay malamang nasagasaan na ang kanyang special case. At malamang sa hindi na mabilis na ngayon ang pag-andar ng orasan ng kamatayan nito. Ngunit tadhana na ang nagpasya. Nangialam man silang dalawa ni Grus ay alam nilang hindi mapipigilan ang tadhana kung gusto na nitong mamatay ang isang tao. Ngunit nailigtas si Eydis Castillo. Nananatili pa rin itong special case nya.
"Eydis? Okay ka lang?" Tanong ng kaibigan nitong babae na hinawakan ang kamay niya at tiningnan kung okay lang ba talaga ito. Mahinang tumango si Eydis Castillo, pero nakatulala pa rin. Maraming laman ang isip nito. Pero nangingibabaw ang isa.
"Muntik na akong mamatay. Ayoko pang mamatay." Paulit-ulit ang katagang yun sa isipan nito.
"Muntik na syang mapahamak! Panu kung hindi ko yun nakita kaagad? Hindi ko kayang mawala sya." Nakatulala lang si Cody Roxas kay Eydis Castillo, pero sa loob nito ay takot na takot ito.
"Muntik nang mawala ang bestfriend ko! Salamat at nailigtas sya kaagad ni Cody!" Puno naman ng pag-aalala ang utak at puso ni Beatrice Joaquin para sa tinuturing nitong matalik na kaibigan.
"Mabuti na lang at hindi humadlang ang tadhana sa pangingialam natin." Tahimik na sabi ni Grus habang nakatingin pa rin sa tatlo na mukhang nahihimasmasan na.
Tumingin sya rito at nagsalita. "Hindi pa umaandar ang orasan nya at mukhang hindi pa aandar ito kaya pinapaubaya muna sya sa atin ng tadhana." Tumango-tango naman ito at nagsimula na uling maglakad sa makitid na pader. Nakatuntong sila ngayon sa pader habang sinasabayan uli sa paglalakad ang tatlong mortal. Kanina ay sa kawad ng kuryente sila naglalakad.
BINABASA MO ANG
The Death God's Wish: Miracle (Completed)
FantasyCorvus is a Death God. A reaper who has no memories of his mortal life before becoming an entity who reaps souls. And he felt empty and lost without it. A being with little existence. But everything will change the moment his eyes meet Eydis' smili...