6: Anghel

835 22 18
                                    

6: Anghel

Ang lamig!

Mahimbing syang natutulog ng gabing iyon ng maramdaman nya ang malamig na ihip ng hangin na pumapasok sa kanyang silid. Napamulat sya ng kanyang mga mata at napagtanto nyang nakatulog pala sya sa kanyang study table habang nag-aaral. Sa muling pag-ihip ng malamig na hangin ay nanginginig na tumayo sya at lumapit sa kanyang nakabukas na bintana.  Nagtataka sya. Ang pagkakatanda nya ay isinara nya ito kanina bago sya nagsimulang mag-aral.

Baka nakalimutan ko lang siguro talaga.

Ipinagkibit-balikat nya na lang ito at sinigurado nang nakasara na talaga ang bintana pagkatapos ay tumingin sya sa wall clock nya. Alas dose na pala. Dalawang oras din syang nakatulog at inaantok na sya. Hinimas-himas nya ang kanyang leeg na sumasakit dahil sa pagkakatulog nya kanina sa study table.

Argh! Stiff neck na naman to! 

Pumihit na sya para matulog sa kanyang kama nang matigilan sya at mahigit ang kanyang hininga, kasabay ang pag-alpas sa kanyang bibig ng pangalan ng nilalang na matamang nakatingin sa kanya.

"Corvus."

Ang kaninang blangko na pagkakatitig nito sa kanya ay biglang napalitan ng amusement kasabay ng paglalaro ng isang ngiti sa mga labi nito. Ikiniling din nito ang ulo sa gilid at tinatamad na ibinulsa ang mga kamay.

"Binabati kita. Hanggang ngayon ay buhay ka pa." Ngumiti ito ng nakakaloko sa kanya.

Napasimangot naman sya sa tinuran nito at padabog na umupo sa gilid ng kama nya. Nag-indian sit sya, nangalumbaba at nakasimangot pa rin na tumingin sa lalaking kamatayan.

"Alam mo? Aaminin ko na sana na namiss kita, eh, kaya lang sinabi mo pa yun. Kaya wag na lang." Sabay pout nya.

Napasmirk naman sa kanya si Corvus. Katulad ng dati ay naka-itim na naman ito mula ulo hanggang paa. Napapaisip tuloy sya kung ano ang itsura ng closet nito, at kung meron ba itong ibang kulay ng damit bukod sa kulay itim. But then, may closet ba ang mga Kamatayan? Saan kaya nito kinukuha ang iba't-ibang klase ng mga damit nito? Iba-iba kasi sa tuwing nakikita nya ito. Tapos parang puro branded pa. Sino kaya ang sponsor nito?

Wait? Kamatayan to eh. Kaya hindi nya kailangan ng sponsor di ba? Aissh! Saan ba kasi nagpunta ang isang to at tatlong araw na hindi nagpakita sa akin?

"Hinahanap mo ako?" Gulat na napatingin sya kay Corvus sa pagkakarinig ng boses nito. Nakakunot ang noo nito sa kanya.

The Death God's Wish: Miracle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon