Epilogue: Ang Katuparan ng Kahilingan

939 33 31
                                    

Epilogue: Ang Katuparan ng Kahilingan

Everyday is a Miracle.

“Ang daya mo, Ginoong Corvus. Makakatawid ka na nga sa kabilang buhay, ang puti-puti rin pala ng pakpak mo. Mas maputi pa sa pakpak ko!”

Natawa siya sa pagrereklamo ni Grus. Daig pa nito si Moon na ngayon ay ngingiti-ngiti lang sa kanyang tabi. Nakaupo sila sa itaas ng isang building at nakatanaw sa isang university. Ito ang huling araw nya bilang isang nilalang na may pakpak. Makakatawid na rin siya sa kabilang buhay.

“Sigurado ka na bang aalis ka na sa pagiging isang Death God, Master? At tatawid na sa kabilang buhay?” Inosente namang tanong sa kanya ni Moon na binatukan naman ni Grus.

“Kita mo ba ang puting-puting pakpak na yan? Sa pagpapalit palang ng kulay ng pakpak na yan ay ang pagpapahiwatig na iniwan na niya ang pagiging isang alagad ni Kamatayan. At matagal na nyang gustong makasama ang pinakamamahal nya sa kabilang buhay, kaya wag ka nang magtanong ng mga ganyang tanong.” Napasimangot naman rito si Moon at binelatan pa nito si Grus. Napahalakhak siya sa paghaharutan ng dalawa. Siguradong mamimiss nya ang kakulitan ng dalawang ito.

Tinapos na ni Thanatos ang usapan nila, total ay nanalo naman siya. Naunang bumalik ang alaala nya at hindi nagtagumpay ang kambal na Diyos sa kanilang kalokohan. Bumalik na rin siya sa pagiging isang kaluluwa, pero ang hindi niya inaasahan ay naging isa pala siyang anghel. Isang anghel na namatay dahil sa sakripisyong ginawa. Naging isa siyang purifying angel, katulad ni Grus.

“Akalain mo yun? Purifying angel ka pala? Eh dati hindi ba’t naghahanap ka ng isang purifying angel? Yun pala’y di mo na kailangang maghanap.” Tatawa-tawang sabi ni Hypnos sa kanya, isang lingo na ang nakakaraan. “Si Atropos kasi, magpuputol na nga lang ng sinulid ang trabaho, nagkamali pa. Nagpanggap pang isa sa mga alagad para raw maayos niya ang gusot na ginawa. Tsk.” Pabulong na lamang ang mga huling sinabi ni Hypnos pero narinig nya pa rin iyon. At hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin.

 

“Tumigil ka na nga Hypnos.” Katulad ng dati ay seryoso pa rin si Thanatos. Tumingin ito sa kanya at hinawakan siya sa kanang balikat. “Alam mo’ng hindi dahil sa pagiging purifying angel mo kaya iyon nangyari. Dahil iyon sa kapangyarihan kong ipinahiram sayo.”

 

“At sa isang huklubang may kasalanan sayo.” Humalakhak lamang si Hypnos nang tingnan ito nang matalim ni Thanatos dahil sa biglang pagsingit nito sa usapan at hindi niya pa rin maintindihan ang mga sinabi nito.

 

”At wag kang maniniwala sa lahat ng sinasabi nitong si Thanatos. Corny mang pakinggan pero dahil iyon sa luha mong hinugot mula sa tunay na pagmamahal. At hindi dahil sa kapangyarihan ng hambog na iyan.” Napailing siya ng dagliang naglaho si Hypnos na tila natakot sa galit na mukha ng kakambal nito. Muli naman siyang nilingon ni Thanatos pagkatapos umalis ni Hypnos.

 

“May kakayahang magbalik ng oras ang luha ng isang Death God na hinugot mula sa tunay at purong pagmamahal. Pinalakas iyon ng kapangyarihang ipinahiram ko sa iyo. Dahil doon ay naibalik sa wasto at tunay na oras ang kanyang buhay. Hindi na sya isang special case. Panalo ka.”

The Death God's Wish: Miracle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon