10: Thanatos at Hypnos

771 24 22
                                    

10: Thanatos at Hypnos

"Ginoong Corvus?"



Nabalik ang tingin nya sa nababagabag na mukha ni Nyctea. "Ano na ang gagawin mo ngayon? Kilala ang Diyos Thanatos at Diyos Hypnos bilang mapaglaro at mapanlinlang. Madami sa ating mga kasamahan ang nagsasabi na masama ang ugali ng kambal na Diyos at wala silang pinapalampas. Lalo na sa mga special case." Puno ng pag-aalala ang mga mata nito nang tumingin sa mga mata nya. "Baka pakialaman nila ang special case mo."


Nababagabag man sya ay ikinalma nya ang sarili. "May ginawa ba sila nang bumisita sila sa iyo?" Umiling lang naman ito at tumingin sa kawalan.

"Ngunit kakaiba ang kanilang mga ngiti. Mukhang may ibig ipahiwatig." Nangunot din ang noo nya. Si Thanatos at Hypnos. Ang kambal na anak ng Diyosa ng Gabi na si Diyosa Nyx at ng Diyos ng Kadiliman na si Diyos Erebus. Puno ng kalokohan ang dalawang Diyos ngunit pag nagigipit ay nagtatago naman pabalik sa lungga ng kanilang inang si Diyosa Nyx. Pero hindi mo mapagkakaila ang kanilang taglay na kapangyarihan. At sila ay mga alagad lamang ng Kambal.



"Ano ba ang dapat nating pangambahan sa ating mga Panginoon? Sigurado akong bibisita lamang sila at walang gagawing masama." Pilit na pagkumbinsi nya kay Nyctea at pati na rin sa kanyang sarili. Sana nga ay walang gawing kalokohan ang mga Panginoon nila, lalong-lalo na si Thanatos, na syang may karapatan sa pangalang Kamatayan.



"Sana nga, Ginoong Corvus. Sana nga." Muli syang tinapunan ng nababagabag na tingin ni Nyctea bago ito tumalikod at naglakad palayo sa kanya. Ilang segundo syang nakatulala sa kawalan bago muling ibinuka ang kanyang mga pakpak at ikinampay.

Pupuntahan nya ang kanyang special case.




Eydis' POV

Ngiting-ngiti sya ngayon habang nakatingin sa masayang mukha ng Mama nya. Nandito sila ngayon sa isang theme park. Malay ko bang may pagkachildish pala tong si Mama? Haha!

Eto ang Birthday surprise nya sa Mama nya. Ang aga-aga nyang gumising kanina para ipagluto ito ng paborito nitong adobong manok. Buti na lang marunong syang magluto. Yun nga lang ay kinukulit sya ng guardian angel na si Grus. Muntik na nyang tapunan ito ng kumukulong tubig, dangan nga lang at naalala nyang tatagos lang pala yun dito. Kaya hindi na nya tinuloy. Buti na lang talaga at nandyan din ang cute na cute na si Moon kaya medyo nawawala ang inis nya.

"Anak! Halika! Doon naman tayo sa chubibu!" Napapalakpak na sabi ng Mama nya. Napahalakhak silang tatlo nina Bea at Cody at tinungo na nga nila ang Merry-go-round. Parang batang natrap sa katawan ng forty-two years old ang Mama nya na tuwang-tuwa sa lahat ng ginawa nila dun sa theme park.

"Anak! Salamat ha? Ikaw pa talaga ang nagdala dito sa akin. Salamat talaga, anak." Niyakap sya ng kanyang Mama ng mahigpit. Napangiti naman sya.

"Birthday gift ko po to sa inyo Mama. Tsaka deserve nyo rin naman po ang magrelax at mag-enjoy paminsan-minsan. Lalo na pag-birthday mo." Ngumisi sya rito at nakita nya namang maluha-luha ang Mama nya.

"Ang bait-bait talaga ng anak ko." Niyakap nya uli ang Mama nya at nakita nyang ngiting-ngiti sina Cody at Bea sa likod. Pati sina Grus at Moon ay maganda rin ang ngiti sa kanila. "Kung sana ay nandito rin ang Ate mo..."

The Death God's Wish: Miracle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon