4: Wayward Soul

989 28 21
                                    

4: Wayward Soul

"Eydis?"

"Eydis?"

"Eydis!"

"Ay! Nanay mong panot!" Humahalakhak sina Cody at Bea nang tapunan nya ito ng matalim na tingin. Napahawak sya sa dibdib nya sa sobrang pagkagulat sa pagsigaw ni Bea.

"Ba't ba kayo nanggugulat! Kainis naman eh!" Parang batang reklamo nya sa mga ito.

"Eh, kasi naman, kanina pa kita tinatawag. Parang wala ka na man sa sarili mo. Nakatunghay ka lang dyan at nakatulala." Nakangising sabi sa kanya ni Bea, pero bigla rin itong sumeryoso. " May problema ka ba?" Seryoso syang tiningnan ng mga ito.

Problema? May problema nga ba sya?

Ano ba ang sasabihin nya sa kanila? Na meron nang taning ang buhay nya at may kamatayan na nakabantay sa bawat galaw nya? Na nakikita nya kahit saan sya tumingin? Sa loob ng kwarto nya na tila gwardya kung makapagbantay. Sa labas ng classroom. At ngayon ay nandoon naman ito nakasandal sa pader na malapit sa kinauupuan nila. Nakapamulsa at matamang nakatingin sa kanya. Walang ekspresyon ang mukha. Panu nya sasabihin yun kung kahit nga sya ay nahihirapan pa rin na tanggapin ang nangyayari. Ang dalawang ito pa kaya? 

"Wala." Ngumiti sya. "Okay lang ako."

"Sure ka?" Hindi naniniwalang tanong ni Bea, samantalang si Cody naman ay inoobserbahan lang sya.

Nakangiting tumango sya. "Oo nga. Kilala nyo naman ako di ba? May sariling mundo ako." Tumingin sya uli kung nasaan yung nagpakilalang "Kamatayan" sa kanya. Para itong model ng black leather jacket sa suot nito. Yun nga lang, hindi naman siguro katulad nito ang mga model ng mga leather jacket di ba? Yung lumulusot lang dito yung mga taong dumadaan? Yan kasi ang kanina pa nya tinitingnan. Nakakakilabot.

Binawi nya ang tingin nya mula sa kinaroroonan nung "Kamatayan" at nagsketching uli.

"Uy! Ganda nyan ah?" Napakislot sya sa boses ni Bea at napatingala rito.

"Ha? Ang alin?"

"Yang sketch mo. Astig ah. Dark Angel. Tsaka ang gwapo ha? Saang movie mo napanood yan? Sino yung artista?" Sunod-sunod na tanong ni Bea sa kanya pero hindi na nya naintindihan ang mga yun. Natulala kasi sya sa sketchpad nya. Sa ginawa nyang sketch ni Mr. Kamatayan.

The Death God's Wish: Miracle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon