7: Bucket List

795 22 15
                                    

7: Bucket List

"Ate."

"Bye, Ate. Alis na ako. Please watch over me."  Tumingkayad sya at hinalikan ang nakangiting larawan nito tsaka tumuwid ng tayo at ngumiti ng matamis.

"Ang ganda ng Ate mo, ha? Magkamukha kayo." Napangiti sya sa narinig nyang sinabi ni Grus, the guardian angel.

Magkamukha talaga kami ng Ate ko. Little version nga raw nya ako.

"Good. Naalala mo nang kausapin ako gamit lang ang isip mo. Akala ko ipapahiya mo na naman ang sarili mo sa harap ng mga kaibigan mo, eh. Haha." Napasimangot sya sa komento ng anghel. Nang-inis pa talaga!

"Eydis! Lika na!" Napangiwi sya ng marinig nyang sumigaw si Bea mula sa pinto. 

Ang lapit-lapit lang ng pinto, eh.

"Ma, alis na po kami." Humalik na sya sa mama nya at sumunod sa pinto kung nasaan naghaharutan ang dalawa nyang kaibigan. Bigla syang tumakbo at dinamba ang dalawa.

"Araay!!"/"Eydiis!" Tawa naman sya ng tawa sa mga reaksyon nong dalawa. Minsan lang naman sya magpaka-isip bata. Haha.

"Tara na nga! Ma-late pa tayo eh." Busangot na yaya sa kanila ni Bea. Inakbayan naman sya ni Cody at sumunod na silang dalawa rito. Ngingiti-ngiti pa rin sya. Kita nya rin sa peripheral vision nya na nakaagapay sa paglalakad nila si Grus.

"Oy, may laro kami mamaya. Dapat nandon kayong dalawa, ha?" Sabi ni Cody na hinila sa braso si Bea pabalik at iniakbay ang kaliwang braso dito.

"Oo na. Gusto mo lang nang magchi-cheer sayo, eh andami mo namang fangirls dun." Mataray na sabi ni Bea habang nakasimangot.

"Eh, sa mas gusto ko na nandun kayong dalawa eh! Wala naman akong pakialam sa ibang mga babaeng yun. Ang gusto kong makita, eh kayong dalawa. Hmm?" Napangiti sya. Ganyan talaga si Cody. Hindi pumapalya sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanilang dalawa ni Bea.

"Alam mo? Mahal ka ng lalaking yan." Nangunot ang noo nya sa sinabi ni Grus.

Ha? Eh, talaga namang mahal kami ni Cody no!

"Hindi. Ang ibig kong sabihin ay inlove sayo yang kaibigan mo. SA IYO lang." Napatigil sya sa paglalakad kaya pati si Cody na nakaakbay sa kanya at si Bea na inaakbayan nito sa kabila ay natigil din.

Ano'ng pinagsasabi mo?

"Eydis? Ba't ka huminto?" Takang tanong sa kanya ni Bea habang si Cody naman ay nakakunot ang noo sa kanya.

"Mahal ka ni Cody Roxas, Eydis Castillo. Hindi pagmamahal ng isang kaibigan kundi pagmamahal ng isang lalaki para sa isang babae."

Tumigil ka nga! Imposible yang sinasabi mo!

The Death God's Wish: Miracle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon